SUNSHINE Matagumpay na ikinasal sina Carlos at Sunshine. Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Sunshine na kasal na siya. Matapos ang kanilang honeymoon, umuwi siya sa kanilang bahay. Ang laki ng pinagbago ng kanilang bahay. Ang dating sira-sira at kulang na kulang sa gamit ngayon ay modern house na at malaki pa. "Nasaan ang asawa mo, anak?" tanong ng kanyang ina. "May inasikaso lang po, mama. Mahalaga po kasi iyon kaya ang sabi ko sa kanya, huwag niya na akong intindihin dahil dito lang naman ako pupunta," tugon ni Sunshine sa ina. Ngumiti ng malawak ang ina ni Sunshine. "Masaya ako para sa iyo anak dahil sa wakas, ikinasal ka na. At magkakaroon pa kayo ng anak ni Carlos. Ang bilis ng pangyayari 'no? Parang kailan lang, hindi ko na alam kung hanggang kailan ang itatagal ko sa mundong ito. Pero dahil sa iyo, anak... nabigyan ako ng pangalawang pagkakataon para mabuhay. Maraming salamat sa iyo, Sunshine... ang anak kong walang ibang inisip kun'di ang pamilya niya." Ki
Last Updated : 2025-06-07 Read more