SUNSHINE "Mahal ko, may business trip ako bukas. Parang ayokong sumama dahil maiiwan kitang mag-isa," malambing na wika ni Carlos bago siya niyakap. Tumikhim si Sunshine bago gumanti ng yakap sa kanyang asawa. "Hindi mo na kailangan pang mag-alala, mahal ko. Doon ako pupunta kina mama. Alam mo naman na maasikaso sa amin ang mama ko kaya wala akong magiging problema kapag nasa bahay lang ako."Lalong humigpit ang yakap ni Carlos sa kanya. "Ma-miss kita ng sobra. Tatlong araw din kasi iyon. Pero hayaan na. Mag-video call na lang tayo palagi kapag wala na akong meetings."Maingat siyang hinagkad sa labi ni Carlos. Akala niya noong una, kapag tumagal-tagal na sila, magbabago na si Carlos sa kanya. Pero mas lalo pa pala siyang minahal ng kanyang asawa.Hinatid siya ni Carlos sa kanilang bahay at malungkot itong nagpaalam sa kanya. Inasikaso naman siya ng mama niya sa kanyang kuwarto doon."Mama, dapat hindi ka masyadong kumikilos dahil sariwa pa ang sugat sa loob niyan eh. Tuyo lang sa
Terakhir Diperbarui : 2025-06-09 Baca selengkapnya