My Ninong's Contract Wife

My Ninong's Contract Wife

last updateLast Updated : 2025-05-29
By:  LonelyPenUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
38 ratings. 38 reviews
109Chapters
20.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

WARNING: RATED SPG/AGE GAP/ CONTRACT MARRIAGE Tiningnan ni Isabella ang kapirasong papel na hawak niya. Nanlaki nang mabasa ang nakasulat doon. "Kayo po ang CEO ng kompanyang ito?" hindi makapaniwalang wika ni Isabella. Ngumiti ng malawak si Maximus. "Yes I am. At mayroon akong offer sa iyo na trabaho. Magiging madali lang ito para sa iyo. Isang taon ang kailangan mong guguluhin dito. At ang trabahong ito ay nagkakahalaga ng twenty million pesos." Halos malaglag ang panga ni Isabella sa kanyang narinig. "P-Po? A-Ano po bang k-klaseng trabaho po iyan?" "I need a contract wife, miss. No feelings involved. Just pure business." *** Hindi niya inakalang lolokohin siya ng kanyang asawa. Sobra siyang nasaktan at nadurog ng pino ang kanyang puso. Hindi niya hahayaang maging masaya ang asawa niya pati na ang kabit nito. Kaya naman umisip siya ng paraan upang makapaghiganti. Isang dalaga ang makakatulong sa kanya upang makapaghiganti na hindi niya aakalaing bibihag din sa sugatan niyang puso. At iyon ay walang iba kundi ang kanyang inaanak.

View More

Chapter 1

K-1

"Sa tingin mo ba, hindi ka magagawang lokohin ng asawa mo?" tanong ni Johnny kay Maximus.

Tumikhim si Maximus bago itinuon ang tingin sa mga sasakyan sa ibaba. Kasalukuyan siyang nakatayo mula sa 15th floor ng malaking gusali na iyon. Pagmamay ari niya ang gusaling iyon. Isa tatlong gusaling naiwan sa kanya ng yumao niyang ama.

"Hindi magagawa sa akin iyon ni Clara. Ten years na kaming kasal at sa loob ng mahabang panahong iyon, ni minsan hindi ko siya nahuli o nakitaan man lang ng kahit anong malanding message sa kahit sinong lalaki. Formal na formal siyang makipag-usap sa mga negosyanteng kaibigan namin pati na sa mga lalaking kaibigan niya. Walang halong kung ano. Formal and professional," proud na sambit ni Maximus.

Tumango-tango naman ang kanyang kaibigan. "Mabuti naman kung ganoon. At sana nga, hindi niya magawang ipagpalit ka sa kahit sinong lalaki. Alam mo naman sa panahon ngayon, lahat nagloloko. Maganda man o pangit. Mayaman man o mahirap. Kapag may nakita silang kulang sa partner nila at nahanap nila sa iba, magloloko talaga sila."

Umarko ang kilay ni Maximus at saka tiningnan ang kaniyang kaibigan. "May gusto ka bang sabihin sa akin, Johnny? May kailanman ba akong malaman? Para kasing may laman ang mga sinasabi mo ngayon. Hindi naman natin ito napag-uusapan noon. Ngayon ka lang nagtanong ng ganiyan sa akin tungkol sa asawa ko."

Nagkatitigan silang magkaibigan ng ilang segundo bago unang nag-iwas ng tingin si Johnny. Inilagay niya ang magkabilang kamay niya sa kanyang bulsa bago itinuon ang tingin sa labas.

"Hindi pa ako sigurado... hindi pa kumpirmado. At ayoko namang magkamali at makasira ng relasyon niyo. Gusto ko munang kumpirmahin at alamin kung tama ba ang hinala ko..."

Umarko ang kilay ni Maximus at saka nilapitan ang kanyang kaibigan. Bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil bigla siyang kinabahan. Sa tagal nilang nagsama ni Clara, panatag siyang hindi siya lolokohin ng kanyang asawa.

Sa edad na forty years old, hindi mahahalata iyon kay Maximus. Maganda ang kanyang katawan at postura. Aakalain mong nasa edad twenty to thirty years old lamang siya. Matangkad, malaki ang katawan, matangos ang ilong, makapal ang kilay, mahaba ang pilikmata, mapula ang labi, umiigting ang panga at mayroong malaking alaga na siyang kinababaliwan ng mga babae.

"Ano ba ang hinala mo? May nakita ka ba? Ano ang nakita mo? Paano mo nalamang asawa ko iyon? Baka nagkakamali ka lang," sunod-sunod na tanong ni Maximus.

Humarap sa kanya si Johnny. "Sana nga nagkakamali lang ako. Pero hindi. Kitang-kita ko ang asawa mong si Clara na niyakap ng isang lalaki. Hindi ko nakita ang lalaki dahil nakasuot ito ng sombrero at facemask. Niyakap niya si Clara ng matagal bago pumasok ang asawa mo sa sasakyan nito at umalis. Iba ang yakap eh. Hindi simpleng yakap lang iyon. Halatang ayaw pa ngang bumitaw ng lalaki sa higpit ng yakap niya sa asawa mo."

Nakaramdam ng matinding galit si Maximus. Umigting ang kanyang panga at nangalit ang kanyang mga ngipin. Lumikha ng ingay ang nagkikiskisan niyang ngipin.

"Kumalma ka, Maximus. Pilitin mong kumalma. Magpanggap kang wala kang alam. Maigi ng mahuli mo siya sa akto. Huwag kang magpahalata na may alam ka na sa panloloko niya. Maging kaswal ka lang," payo ni Johnny sa kanya bago hinawakan ang kaniyang balikat.

Humugot ng malalim na paghinga si Maximus bago tumingala. Ilang segundo siyang nakatingala at saka niya itinuon ang tingin niya sa kanyang kaibigan.

"Kung totoo man ang hinala mong ito, hindi ko mapapatawad si Clara. Sinabi ko na sa kanya ito noon pa. Kapag niloko niya ako, kahit anong klaseng panloloko pa iyan, maghihiwalay kaming dalawa. Kaya pinili kong sa ibang bansa kami ikasal para kapag dumating ang araw na kailangan naming maghiwalay, may divorce doon."

"Pag-uwi mo mamaya, huwag mong babaguhin ang pakikitungo mo sa kanya. Iyong katulad pa rin ng normal mong ginagawa kapag umuuwi ka sa bahay ninyo. Iyong wala ka pang alam."

Mabagal na tumango si Maximus. Nagpasalamat siya sa kanyang kaibigan dahil sa mga sinabi nito sa kanya. Kaya nang umuwi siya sa kanilang bahay, ganoon nga ang ginawa niya. Ang naging kalmado at kaswal. Sinalubong niya ng halik sa pisngi ang kanyang asawa.

Sa pisngi na lang dahil hindi niya maiwasang mainis. Ngunit sa labi niya talaga hinahalikan ang kanyang asawa sa tuwing uuwi siya.

"Good evening, honey. Nagluto na ako ng paborito mong ulam. At mukhang makakarami ka na naman ng kain," nakangiting wika ni Clara.

Ilang segundo muna ang lumipas bago ngumiti si Maximus. Hindi niya kasi maiwasang isipin na niloloko siya ng asawa niya.

"S-Salamat, h-honey. Akyat lang muna ako sa kuwarto para makapagbihis."

Bumuga ng hangin si Maximus nang talikuran niya ang kanyang asawa. Mabilis siyang humakbang ng hagdan patungo sa kanilang kuwarto. Muli siyang bumuga ng hangin upang panatilihing kalmado ang kanyang sarili kahit na hindi niya alam kung makakayanan niyang maging kalmado ng matagal sa kabila ng sinabi ni Johnny.

"Honey, magpapaalam pala ako sa iyo," wika ni Clara nang magtungo na siya sa kusina.

Tiningnan niyang maigi ang kanyang asawa. "Ano iyon?"

Matamis na ngumiti si Clara. "Sasama ako sa mga kaibigan ko sa La Union. Mag-bonding kami. Hindi kasama ang mga asawa nila. Kami-kami lang mga babae. Ayos lang ba sa iyo kung sumama ako sa kanila?"

Natahimik sandali si Maximus at patagong kinuyom ang kanyang kamao. Lalo siyang napapaisip ng kung anu-ano. Naiisip niyang baka hindi naman iyon totoo ang kabit nito ang kasama niya sa La Union.

"S-Sige, h-honey. Ayos lang na s-sumama ka sa kanila. E-Enjoy ka doon, ha?" pilit niyang pinalambing ang kanyang tinig kahit na gusto na niyang sigawan ang asawa niya at magtanong ng kung anu-ano.

"Thank you so much, honey! I love you!" magiliw na wika ni Clara bago siya nito niyakap.

Napasinghap si Maximus bago dahang-dahang iginalaw ang kanyang kamay upang gumanti ng yakap sa kanyang asawa. Hindi niya tinugunan ang pagsabi nito sa kanya ng 'I love you' dahil magulo ang isip niya at binabalot siya ng matinding galit.

Ngunit sa loob-loob niya, hiling niya na mali sana silang dalawa ni Johnny. Sana nga hindi talaga nagloloko si Clara.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

10
100%(38)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
38 ratings · 38 reviews
Write a review
user avatar
Athengstersxx
Recommended 🫶🏻
2025-05-28 21:59:46
0
user avatar
LonelyPen
Happy 19k reads...
2025-05-26 23:24:21
0
user avatar
LonelyPen
Happy 17k reads mga mahal!!
2025-05-20 16:55:17
0
user avatar
LonelyPen
Happy 16k reads mga mahal!
2025-05-19 17:47:27
0
user avatar
LonelyPen
Walang papaapi!
2025-05-10 20:23:52
0
user avatar
LonelyPen
Mga palaban ang bidang babae sa akdang ito!
2025-05-10 20:23:42
0
user avatar
LonelyPen
Happy 12k reads mga mahal!
2025-05-10 20:23:24
0
user avatar
LonelyPen
Salamat po mga mahal!
2025-05-09 13:44:48
0
user avatar
LonelyPen
happy 11k reads sa atin
2025-05-09 13:44:39
0
user avatar
LonelyPen
Salamat po sa inyong patuloy na pagbabasa!
2025-05-05 00:17:08
0
user avatar
LonelyPen
More reads to come pa!
2025-05-05 00:16:57
0
user avatar
LonelyPen
Happy. 10k reads mga mahal!
2025-05-05 00:16:50
0
user avatar
LonelyPen
Salamat sa patuloy na pagsuporta!
2025-04-29 11:42:22
0
user avatar
LonelyPen
Happy 9k reads mga mahal!
2025-04-29 11:42:15
0
user avatar
LonelyPen
Simpleng comment niyo lang ginanahan na si author niyo...️...
2025-04-21 01:18:44
1
  • 1
  • 2
  • 3
109 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status