CONRAD Hindi niya akalaing kasama niya ngayon si Isabella sa isang kilalang coffee shop habang masayang nagkukuwentuhan. Hindi siya mahilig sa kape. Pero dahil hilig pala iyon ni Isabella, sa tingin niya magugustuhan na rin niya. "Tawa ka nang tawa. Parang gusto mo na yatang mag-asawa. Asawahin mo na kaya ako," biro niya kay Isabella. "Hoy! Anong pinagsasabi mo diyan? Porke tawa nang tawa, iyon agad! Hindi ko nga iniisip iyan. Masyado pa akong bata. At isa pa, hindi basta-basta ang pag-aasawa 'no! Hindi iyan mainit kanin na basta na lang iluluwa kapag hindi kinaya ang init. Kaya ikaw, mag-enjoy ka muna sa pagiging binata mo. Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan?" tanong ni Isabella sa kanya. "Well, may maliit akong negosyo. Vape shop." Namilog ang mata ni Isabella. "So mahilig ka mag-vape?" "Hindi naman palagi. Kapag trip ko lang. Masama din iyon sa kalusugan. Kumbaga, bihira lang talaga. Bakit? Ayaw mo ba sa lalaking smoker?" Tumango si Isabella. "Oo ayoko. Nahihilo ng
Last Updated : 2025-03-19 Read more