"OKAY ka lang ba dito na mag-isa?" Nakangiting tumango si Laura kay Marg nang marinig niya ang sinabi nito sa kanya ng lapitan siya nito. Iiwanan kasi siya nito na mag-isa dahil papasok na ito sa tranaho. "Okay. Just feel at home, Laura. Kung nagugutom ka may mga pagkain sa fridge, kumuha ka lang," wika nito sa kanya. "Oo, Marg," sagot naman niya dito. "Okay. Alis na ako," paalam nito. "Mag-ingat ka," sabi niya. Isang ngiti lang naman ang isinagot nito sa kanya hanggang sa tuluyan na itong umalis. At nang maiwan na mag-isa ay hindi maiwasan ni Laura ang makaramdam ng lungkot, dahan-dahan nga ding nawala ang ngiti sa labi niya. Kung wala kasi si Marg, silang dalawa na lang ng baby niya ang magkasama sa buhay. She felt alone. Sa totoo lang ay pinangarap naman ni Laura na magkaroon ng masaya at kompletong pamilya. It was her dream. Iyong bang magkakaroon siya ng mga anak at may katuwang sa buhay. Iyong asawa na mamahalin siya at sasamahan siya sa hirap at ginhawa. Katuwang
Terakhir Diperbarui : 2025-06-25 Baca selengkapnya