"SENYORITA Laura." Nag-angat si Laura nang tingin ng marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Aine. "Yes, Aine?" tanong ni Laura dito nang lingunin niya ito sa kanyang likod. "Pinapatawag po kayo ni Senyorito Draco," wika ni Aine nang magtama ang mga mata nila. Pinagdikit ni Laura ang mga labi ng bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya. To be honest, Laura couldn't understand herself, especially her heart – why it was beating so rapidly with the mere presence of Draco or just mentioning his name. Eh, hindi naman ganoon ang nararamdaman niya dati para sa lalaki. Hatred ang nararamdaman niya, pero bakit hindi na ganoon? And she couldn't quite put her finger on what she felt for him. Nagpakawala na lang si Laura ng malalim na buntong-hininga. "Nasa kwarto ba?" tanong niya kay Aine. Umiling naman ito bilang sagot. "Nasa garden po, Senyorita," sagot naman nito sa kanya. "Okay. Thank you, Aine." Tinigil naman ni Laura ang ginagawa para puntahan si Draco. Wala siyang ideya
Terakhir Diperbarui : 2025-05-12 Baca selengkapnya