ELLIA ELLIZEAfter class ko ay sinundo na ako ng asawa ko. Sa bahay na ng daddy ko kami dumiretso. Pagdating namin doon ay nandoon na rin siya. Mainit nila kaming tinanggap at narito rin si Jeya at Tito Allan. “Mabuti naman at pinagbigyan mo ang kahilingan ng daddy mo, Elli,” sabi sa akin ng asawa ni daddy.“It’s a mutual decision po namin ng asawa ko, tita.” “Thank you, Aedan,” nakangiti na sabi niya sa asawa ko.“Gusto ko po na makasama ng asawa ko ang daddy niya. Lahat po ng magpapasaya sa misis ko ay gagawin ko,” sabi pa ng asawa ko kaya napangiti ako.“Sana lahat ng asawa ay katulad mo, ang swerte ni Elli sa ‘yo,” sabi ng asawa ni daddy.“Mas swerte po ako sa asawa ko, tita.”“Kumain na muna tayo dahil alam ko na gutom na anak ko. Galing pa naman siya sa school,” sabi ni daddy kaya napangiti ako.“Galing ka pa pala sa school?”“Yes po, tita.”“Tara na sa loob, nagluto ako ng dinner natin. Hindi ko nga lang alam kung magugustuhan mo–”“Hindi naman po ako mapili sa pagkain, tita.
Huling Na-update : 2025-09-27 Magbasa pa