ELLIA ELLIZE“Kumusta po kayo?” tanong ko sa kanya pero niyakap niya ako.Isang yakap na sobrang higpit na para bang ayaw na niya akong makawala pa.“Ang laki-laki mo na, apo ko. Sorry, sorry, apo ko.” umiiyak na bulalas niya habang yakap ako.“Sorry po kung ngayon lang po ako nagpakita sa inyo. Sorry po, lola. Hindi ko po alam na all these years ay nagbibigay pala kayo sa akin ng regalo. Hindi ko po alam, ngayon ko lang po talaga nalaman,” sabi ko sa kanya.“Okay lang ba sa ‘yo na pumasok tayo sa loob? Mainit kasi dito sa labas kaya doon na lang sana tayo sa loob mag-usap,” tanong niya sa akin.“Okay po, lola. Wala pong problema,” sabi ko sa kanya at pumasok kami sa loob ng bahay nila.Malaki ang bahay nila at maganda rin pero ang aura ng bahay nila ay ang bigat. Ang bahay na para bang ang lungkot-lungkot. Na para bang wala buhay ang bahay nila na ito. Nakakalungkot lang na ganito itong bahay na ito.“Kailan ka pala dumating, apo?”“Kanina lang po, lola,” sagot ko sa kanya.“Naku, pa
Last Updated : 2025-09-30 Read more