Day 560—DECEMBER 31, 2024 Desperas ng bagong taon. Magtatapos ang taong 2024 na may matamis na ngiti sa mga labi ni Cheska at sa kanyang pamilya. Alas-sais ng hapon. Abala sina Cheska at Tita Agnes nito sa pagluluto. "Mika, tignan mo nga kung sino 'yang nagdo-doorbell." Inatasan ni Cheska ang nakababatang kapatid habang abala ang buntis sa pagawa ng handa nila sa bagong taon. "Opo, Ate." Sagot naman ni Mika, at dali-daling tumungo ng pintuan. "Mika, sino?" Sambit ni Cheska. "Ate, may naghahanap sa iyo," lumapit ang kapatid sa kanya na nasa kusina. "Sabi—mama mo raw." Natigilan si Cheska sa kanyang ginagawa nang marinig ang sinabi ni Mika. Mayamaya ay lumapit ang ginang sa anak nitong si Mika saka sinigurado ang sinabi. "Ano'ng sabi mo?" "Mama raw po ni Ate Eka." "Mama? Teka, sandali, titignan ko—" "Ako na po Tita Agnes," biglang sabi ni Cheska sa ginang. "Ako na po ang titingin." Sambit niya pa't dumulog sa may pintuan. Huminga ng malalim si Cheska. Kumuha ng la
Last Updated : 2025-07-16 Read more