Halos mapa nganga si Monique nang makita kung gaano kaganda ang lugar, mala paraiso kasi iyon, kumikinang ang tubig na mula sa waterfalls, masarap din sa mata ang mga berdeng halaman at matataas na punong kahoy. “Woah, I never expected this place so be so beautiful.” Komento ni Samuel habang naka hawak pa rin sa kamay niya. Napangiti naman si Monique bilang pag sangayon sa binata, bahagya niya pang pinisil ang kamay ni Samuel para agawin sandali ang atensiyon nito, naging epektibo naman dahil napa tingin nga ito sakaniya. “If I were going to be married, gusto ko sa lugar na ito magpakasal…” Wala sa sariling sabi ni Monique, saglit na natigilan si Samuel saka unti unting napa ngiti. Agad namang na realize ni Monique ang sinabi niya, did she just indirectly asked Samuel to marry her? No freaking way! “I-I mean if ever Liam proposed to me, gus-gusto ko dito kami mag pakasal.” Gustong sampalin ni Monique ang sarili, mas lalong mukhang hindi pinag isipan ang isinagot niya kay Samu
Terakhir Diperbarui : 2025-04-03 Baca selengkapnya