“Napakabait po ng asawa ninyo captain, kung ako makahanap ng babaeng katulad niya ay mamahalin ko siya at aalagaan araw-araw,” wika naman ni Fredo kung kaya namula ang mukha niya. Hindi niya inaasahan ang mga papuri ng mga ito sa kanya kahit hindi pa siya kilala. Agad na tiningnan ni Karen si Fredo. "Aalagaan mo araw-araw? Bakit madumi ba siya?” Nagkatawanan ang lahat kung kaya natawa na rin siya sa biro ni Karen. Napatingin siya kay Nicholas. Napansin niyang hindi man lang ito nagalit, bagkus may bahagyang ngiti pa sa labi. Ibang tao si Nicholas sa kampo. Ibang-iba kapag ang pamilya nito ang kasama. Akala niya noon ay pinanganak itong seryoso, pero mula nang dumating sila sa kampo, tila nag-iba na ito. Hindi na ito kasing lamig ng dati. May kape ba kayo rito?” Nang marinig ni Mia ang sinabi ni Dr. Remy ay agad siyang tumayo upang pigilan ito. Napansin niyang tahimik ito sa naging pag-uusap. "Ako na po ang kukuha Doc. Remy, maupo ka na lang," nakangiti niyang wika sa dokto
Last Updated : 2025-05-08 Read more