Juancho's POV"NAG KAUSAP NA ba kayo?" Tanong ni Apple sa kanya ng makapasok siya sa bagong opisina niya dito sa AHC bilang General manager."Yeah." nakangiting tugon niya. Iniabot nito sa kanya ang kape ng makaupo siya sa swivel chair niya. Ito ang magiging secretary niya."So? Kamusta naman, naging ok ba?"Nagkibit balikat siya. "Hindi ko alam. Pero hindi ako susuko na bumalik kami sa dati.""Kahit na.. Kahit na niloko ka niya?"Napabuntong hininga siya, ganoon din ang tanong ni Erika sa kanya. Pati na ang Kuya Mael niya at ang ama ni Erika.Nalaman ng daddy ni Erika ang lahat pagkalipas ng dalawang buwan na naghiwalay sila ni Erika. Kinausap siya nito, pinakiusapan. Pero hindi na nito kailangan pakiusapan siya dahil bago pa pumunta sa log house ang daddy ni Erika nakapag desisyon na siya, babawiin niya ang asawa. Napakatarantado niya para isiping makakalimutan niya ito, pinahirapan niya lang ang sarili niya.Hindi niya kayang mabuhay na wala si Erika. E ano kung niloko siya nito? E
Terakhir Diperbarui : 2025-05-02 Baca selengkapnya