Juancho's POVTUMINGIN siya sa relo niya. 9:30pm na at nakakaramdam na siya ng gutom. Kakatapos niya lang kausapin ang waiter na naging saksi sa ginawa ni Erika pagkatapos niyang ihatid si Melissa sa ospital. Naawa siya sa dating kasintahan dahil sa itsura nito. May pasa ito sa kanang panga, namamaga ang mukha nito at may bukol sa noo.Wala parin itong malay ng umalis siya sa ospital naisipan niyang bumalik na lang bukas dahil marami siyang dapat asikasuhin, desidido kasi ang pamilya ni Melissa na idemanda si Erika.Napabuntong hininga na lang siya sa gulong pinasok ng asawa niya. Pamilya ng mga abogado ang pamilyang pinanggalingan ni Melissa. Kaya kailangan niyang unahang kumilos ang mga ito.Kakatapos niya lang kausapin ang waiter na gagawing testigo ng side nila Melissa. Binigyan niya ng one hundred thousand cash ang pobreng waiter kapalit ng paglayo nito at hindi pagtestigo. Hindi siya papayag na makasuhan si Erika kahit pa may kasalanan ito. Naniniwala siya na may dahilan si Erik
Terakhir Diperbarui : 2025-05-02 Baca selengkapnya