Habang pinapakinggan ang mga tanong ni Old Madam Alvarez, agad nagsalita si Ysabella, “Hindi… Old Madam, este, Lola, nagkakamali po kayo, hindi totoo…”“Lola,” sabat ni Benedict, “si Ysa pa nga ang nag-encourage kay Willow na magkaayos kami. Totoong binabati pa nga niya kami. Nagkakamali kayo, wala po siyang balak agawin ang puwesto ni Willow bilang magiging asawa ko.”Nang marinig ito, napatawa na lang si Old Madam Alvarez. “Grabe naman ang pagiging uto-uto ng apo ko. Konting salita lang ng babaeng ’to, naniwala ka na? Ngayon naiintindihan ko na kung bakit gustong makipaghiwalay sa 'yo si Willow! Ang galing mo, Miss Javier.”“Lola, alam ko po may sama kayo ng loob sa akin, pero hindi ko po sinisira ang relasyon nina Miss Willow at Benedict. Kung sa tingin niyo po talaga, mali ako, handa akong lumayo kay Benedict…”Nang marinig ni Old Madam Alvarez na seryoso si Ysabella, agad itong tumugon, “Ayos! Kung ganon, ipag-aayos na kita ng ticket paalis ng bansa. Sagot na ng pamilya namin
Terakhir Diperbarui : 2025-05-14 Baca selengkapnya