"Thea, what's wrong?" nag-aalalang tanong ni Vince kay Thea na nakatago pa rin sa likod niya. "Pasensya na kayo. Kaka-transfer lang din ni Thea sa Ravenshade last semester. Baka hindi lang siya sanay sa environment doon at palagi na lang niyang sinasabi na ayaw niyang pumasok doon. Akala ko kung makasama niya si Felicia ay magbabago siya." Pero pakiramdam niya na mas lalong lumala ang nangyayari. "Tsk, hindi naman kasi nagbabantay ng bata si Felicia. Wag mo nga siyang ginagawang dahilan." Mahina nang tinulak tulak ni Lucien si Felicia para makaalis na sila. Sumunod na lang si Felicia nang napansin niya na may tinitingnan si Thea at napatingin naman siya sa tinitingnan nito at nakita niya ang isang lalaki na nakasuot ng well-tailored suit at may elegant appearance pa ito. Napansin nito na napatingin si Felicia sa kanya kaya lumapit na ito sa kanila. "Hello, ikaw 'di ba ang bagong transferee student? I am George Santiago, the head class of Class 1 and Class 4. Narinig ko kasi na m
Terakhir Diperbarui : 2025-04-24 Baca selengkapnya