CHAPTER 47“B-Binenta ko na ang sarili ko para sa pagpapa opera ni nanay. Pagsisilbihan ko sa kama ang bumili sa akin at ang kapalit nga no’n ay sasagutin niya lahat ng mga pangangailangan ni nanay hanggang sa tuluyan na nga siyang gumaling,” sagot nga ni Jillian sa kanyang kaibigan.Bigla namang natigilan si Jane at para bang hindi nga siya makapaniwala sa sinabi na iyon ni Jillian.“H-Ha? A-anong sabi mo?” kandautal pa nga na sagot ni Jane at para bang bigla siyang nabingi sa sinabi na iyon ni Jillian.“Tama ang narinig mo Jane. Binenta ko ang katawan ko sa isang lalaki kapalit nga ng pagpapa-opera ni nanay,” sagot nga ni Jillian at saka nga siya tumingin sa kanyang kaibigan na natulala na lang nga sa kanya.“Pero kung iisipin mo, Jane. Hindi ba at maswerte pa rin ako dahil may nahanap ako na lalaki na handang ipagamot si nanay. At dahil sa kanya ay mao-operahan na si nanay ay makakasama ko na siya ng mas matagal pa,” sabi pa nga ni Jillian at pilit pa nga niyang pinapasigla ang la
Last Updated : 2025-05-07 Read more