CHAPTER 34Kinabukasan nga ay nagising nga si Jillian sa malakas na katok sa kanyang pinto. Kaya naman kahit na gusto pa sana niyang matulog ay napabangon nga siya upang pagbuksan ang kumakatok na iyon. Medyo napangiwi pa nga siya dahil naramdaman nga niya na kumirot ang kanyang pagkababae.“Jillian, andyan ka na ba? Gumising ka na muna. Buksan mo nga muna itong pinto,” sabi ni Jane at sunod-sunod pa nga ang ginawa niyang pagkatok sa pinto ng bahay ni Jillian.“Sandali lang. Andyan na,” sagot naman nga ni Jillian at saka nga niya binuksan ang pinto. Pupungas pungas pa nga siya habang nakatingin kay Jane.“Mabuti naman at nagising ka na. Kanina pa ako kumakatok ng kumakatok dito pero hindi ka naman sumasagot. Tinatawagan ko rin ang number mo pero out of coverage ka,” agad naman nga na bungad ni Jane at bahagya pa nga siyang hinihingal na para bang galing nga ito sa pagtakbo.“Anong problema, Jane? Ang aga aga pa eh,” pipikit pikit pa nga na sabi ni Jillian at napapakamot pa nga siya sa
Last Updated : 2025-05-01 Read more