"Ma'am, narito na po ang ilang mga papeles." "Pakilagay na lang dito sa office table ko, Steve." Napahilot si Gretel sa sariling sentido. Tambak na naman siya ng ilang mga papel. Hindi niya akalaing ganito pala kahirap ang trabaho ng kanyang minamahal. Sa ngayon, nag-iisip siya ng ilang mga ideya. At ang mindset niya ngayon, she need to ensure that the company has enough money to be successful and be able to meet it obligations. "Coffee, Ma'am?" si Steve. "Yes please, Steve. Please, 'yong creamier," ani niya rito. Muli, may kumatok sa pinto. "Come in," sagot niya. "Mom?" si Tharia. Kunot-noo na nag-angat ng tingin si Gretel. Nagulat siya nang makita ito. "Wala kang klase? Sino ang naghatid sa'yo rito, bakit hindi mo ako tinawagan?" sunod-sunod niyang tanong sa anak. "Ayokong ma istorbo kita, mom. Tita Niña is the one who drive me here," sagot ni Tharia. "Really?" hindi makapaniwalang turan niya sa anak. "Wala rin po kasing klase sina Trace. Since nakita niya ako, sinabay na
Dernière mise à jour : 2025-05-08 Read More