"MANANG ESENG, tumawag na po ba sina Papa?" "Opo senyorito, noong bandang alas-7 kagabi," sagot nito habang naghahanda ng agahan. Alas-4 na ng umaga, makulimlim pa ang langit pero hindi na umuulan. "Uuwi ba sila ngayong araw?" Tanong ko habang umiinom ng kape. "Opo senyorito, pero baka daw hapon na sila makauwi." Saad nito habang patuloy ang paghahanda ng pagkain. "Senyorito, ano po pala ang nangyari kay senyorita Nahli?" Puno ng kuryosidad na tanong ni Manang Eseng."Natapilok po n'ong nasa gubat, nagkahiwalay kasi kami basang-basa siya ng mahanap ko kaya siguro nagkalagnat siya." Pikit matang pagpapaliwag ko."Ganoon ba? Mabuti naman ay pinilit niyong makauwi." "Wala kasing gamot sa cabin, nangamba ako na baka lumala ang kalagayan niya kaya pinilit kong makauwi kami." "Bakit ba kasi bigla-bigla 'tong ulan na 'to, wala namang LPA na ibinalita para umulan ng ganoon," saad ni Manang Eseng.Matipid na ngiti lamang ang isinagot ko dito habang ipinagpapatuloy ang pag-inom ng kape.
Terakhir Diperbarui : 2025-05-31 Baca selengkapnya