Kate's POV " Sorry po,ate. Natagalan ako dami kasing pila." ito agad ang bungad ni Lyn sa akin. " It's okay, wala ka bang ibang bilhin? Mamili ka muna sa sarili mo,Lyn," nakangiti na sabi ko din sa kanya. " Meron sana,ate...kaso lang, pag day-off ko nalang po. Para hindi po ako abala sa'yo." nahihiyang sabi pa niya. " That's good..." singit naman ni Nathaniel,kaya napakunot-noo ako. " What do you mean? " naguguluhan ko na tanong. " Ahm, maganda iyon para 'di ka mapagod sa pagbabantay ni, Aurora. I invite you a dinner later to my place," mahinang sabi ni Nathaniel na ako lang talaga ang makarinig. Hindi ko nalang siya sinagot. Napailing nalang ako, daig pa nito ang babae na may tupak. Kanina lang galit ito sa akin dahil sa pagtataksil ko. Pero heto siya ngayon, niyaya akong magdinner sa condo niya. Tama siya, amg condo ko at condo niya ang naging lungga namin. Nagkahiwalay na kami ng landas ni Nathaniel.Umiiyak pa nga si Aurora dahil si Lyn na ang nagkarga sa kanya
Last Updated : 2025-09-13 Read more