Jessa's POV SA ISANG ice cream parlor siya dinala ni Seth sa loob din ng mall. Sumama siya dito dahil pinilit siya nito. Nagpapilit na rin naman siya dahil wala naman siyang ibang pupuntahan. Ayaw niya na mang magpunta sa coffee shop ni Elizabeth dahil maba-badtrip lang siya panigurado kay Emma na tambay roon. Ayaw niya rin namang umuwi ng bahay dahil wala naman siyang madaratnan do'n. Wala ang asawa niya, nandoon sa anak niya. Parang ang pait ng panlasa niya kahit matamis naman ang kinakain niya. Ganoon pala kapag bitter. "Ang kalat mong kumain," natatawang ani ni Seth at pinunasan ng tissue ang gilid ng bibig niya.
Last Updated : 2025-05-22 Read more