LOGIN"Anak ko ang nakasalalay dito, Jessa, kaya hindi mo kami masisisi kung gumawa man kami ng bagay na kahit alam naming makakasakit para lang madugtungan ang buhay ni Clyde." Mapait siyang ngumiti. Tinignan niya si Xyrius na nakatingin sa kanya sari-saring emosyon ang nagsasalimbayan sa mga mata nito. Iniiwas niya ang tingin dito at bumaling kay Giselle. "Gusto kitang saktan, kung puwede nga lang patayin kita ngayon." Dumaan ang gulat ang takot sa mga mata ni Giselle. "Pero hindi ko gagawin dahil baka mamaya buntis ka na pala. Baka nakabuo na pala kayo ng asawa ko. Sayang yung sakit na nararamdaman ko kung mawawala lang yung batang magdudugtong sa buhay ni Clyde." Pinunasan niya ang luha niya gamit ang manggas ng damit niya. Saka tumayo ng tuwid. Naglakad siya at ng na sa tapat na siya ni Giselle huminto siya. Hinubad niya ang wedding ring niya at iniabot ang kamay nito saka inilagay roon ang wedding ring niya. "Tutal makapal naman ang mukha mo 'wag ka nang mahiya. Sa iyo na rin itong wedding ring ko. Sayong-sayo na si Xyrius..." aniya dito na ikinagulat nito. Saka niya ito nilagpasan at tinungo ang pinto pero hinabol siya ni Xyrius at pinigilan. Malamig ang mga matang nilingon niya ito. "I'm sorry..." umiiyak na anito. "Ayokong mawala si Clyde pero mas ayokong mawala ka sa buhay ko..." humahagulgol na anito. Hindi niya rin napigilan ang pagpatak ng luha niya. "Isa lang puwede mong piliin at pinili mo siya, X. Anong laban ko ro'n e, anak mo 'yon. Dugo at laman mo 'yon..." Marahan niyang tinanggal ang kamay nito sa braso niya. "Hanggang dito na lang ako... hindi ko na kayang magpatuloy na kasama ka. Goodbye, love... be a good father." Tinapik niya ang balikat nito at tumalikod na siya.
View MoreXyrius' POV"Damn..." he was breathless. Looking at his three pups. All fricking boys. Nakaramdam siya ng pagka-proud sa sarili habang masuyong pinagmamasdan ang mga anak niya sa nursery room. Anak niya. Fuck! Tatay na siyang talaga.Saglit na may humaplos sa kanyang puso. He was a father, before. Naalala niya si Clyde at ang anak nila ni Giselle na hindi man lang nasilayan ang mundo. Lima na sana. At puro lalaki pa. Makakabuo na siya ng isang basketball team kung nabuhay ang dalawang naunang anak niya.Lumunok siya para tanggalin ang bara sa kanyang lalamunan. Wherever his son's was alam niyang masaya ang mga ito ngayon dahil masaya siya habang nakatingin sa mga anak niya.
Jessa'sPOV"Nag-almusal ka na ba?" tanong niya kay Xyrius na tila nagulat sa biglaan niyang pagtatanong.Agad na nagliwanag ang nga mata nito at mabilis na umiling."I wait for you for you to wake up," anito.Ipinaghila pa siya nito ng upuan. Ito rin ang naghain sa lamesa.Tumingin naman siya sa wallclock. Alas nueve na ng umaga, napasarap kasi ang tulog niya dahil mas malamig na ang simoy ng hangin dahil nag-umpisa na ang bermonths."Bakit hi
Jessa's POV"HINDI ko alam..." anas niya. Nilunok niya ang bikig sa kanyang lalamunan. Kanina pa iyon kasabay ng paninikip ng dibdib niya at ang masaganang pag-agos ng kanyang luha habang isinasalaysay ni Seth ang lahat ng nangyari kay Xyrius sa Manila simula ng umalis siya.Hindi siya mapakali ng malaman na wala na si Clyde. Hindi niya magawang tanungin si Xyrius dahil nailang siyang lapitan ito.Para kasing biglang may pader na inilagay si Xyrius sa pagitan nilang dalawa. Naglagay ito ng harang para hindi niya ungkatin ang nangyari kay Clyde. Hindi niya alam ang tunay na rason pero may ideya na siya.Kaya nagpasya siyang tawagan si Seth,
Xyrius' POV"THIS IS for Clyde," ani ni Giselle habang dahan-dahan itong naghuhubad sa harapan niya. Nag-iwas siya ng tingin at mahigpit na naikuyom niya ang kamao.Don't let me die, daddy...Parang sirang plaka na paulit-ulit niyang naririnig ang tinig ni Clyde. Napakainosente pero puno ng pakiusap.Gusto niyang ibigay kahit ang kalahati ng buhay niya madugtungan lang ang buhay nito. Mapagbigyan niya lang ang hiling nito.Pero kahit maglumuhod siya hindi niya madudugtungan ang buhay ng anak niya kung wala siyang gagawin.At ito ang pa
Jessa's POVPINIPILIT niyang iwasan si Xyrius. Madalas na hindi siya sumabay sa pagkain at nagpapahatid na lang ng pagkain sa kuwarto niya. Ayaw niyang makita ito dahil wala siyang tiwala sa sarili niya.Nahahalata naman iyon ni Xyrius kaya madalas na nasa labas lang ito ng bahay, tumutulong sa pagsisibak at pagtatanim ng halaman.Gusto niya na lang matawa minsan dahil alam naman niyang hindi ito sanay sa mga ganoong gawain pero nagtitiyaga pa rin ito. Mukha tuloy probinsiyanong nanliligaw si Xyrius dahil sa mga ginagawa nito."Bakit ba hindi mo pa kausapin ang asawa m
Jessa's POVBUMANGON siya sa pagkakahiga. Kanina pa siya paikot-ikot sa higaan niya. Hindi siya dalawin ng antok dahil iniisip niya si Xyrius. Ala-una na kasi ng madaling araw pero hindi pa rin ito pumapasok sa kuwarto. Siya na nga ang naglatag ng comporter sa sahig na tinutulugan nito.Nagpasya na lang siyang tumayo at lumabas ng kuwarto. Medyo madilim na dahil sa kusina na lang bukas ang ilaw.Madilim na sa sala pero tanaw niya ang kumot at unan na nasa sofa. Nagtataka man hindi niya na lang iyon pinansin at tumuloy na sa kusina."Sorry," hinging paumahin ni Xyrius ng magkasalubong sila sa kusina. Papalabas ito haban
















![ACADEMIC AFFAIRS [SPG]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments