Jessa's POV"WALA pa ba kayong balak mag-anak ni Xyrius, Jessa?" tanong ng Tita Betty niya habang magkatulong na naghahain sila sa mesa.Natigilan siya. Hindi naman nila napag-uusapan ni Xyrius ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Dalawang taon pa lang naman silang kasal at hindi rin naman sila nagkokontrol sadyang hindi pa lang talaga siya nagbubuntis."Hindi pa ho," tugon niya."Sabagay mga bata pa naman kayo mabuti nang i-enjoy niyo muna ang buhay may asawa dahil kapag may anak na kayo, doon na iikot ang mundo niyo," nakangiting pangaral ng Tita Betty niya.Napangiti na lang siya at hindi tumugon. Napaisip siya parang bigla na lang kumabog ang dibdib niya sa isiping magkaka-anak sila ni Xyrius."Hindi ka ba naiinip sa bahay?" muling tanong sa kanya ng Tiyahin."Hindi naman po." Pero sa totoo lang naiinip na rin siya. Wala naman kasi siyang ibang ginagawa roon. May mga katulong na umaasikaso sa mga gawaing bahay at sa pagluluto."Oh, siya, tawagin mo na yung asawa at ama mo para maka
Terakhir Diperbarui : 2025-05-20 Baca selengkapnya