Ang hangin ng gabi ay puno ng usok at pulbura. Ang putok ng baril ay umaalingawngaw sa magkabilang panig, parang kulog na walang tigil. Habang patuloy ang bangayan ng sindikato at ng mga tauhan ni Xavier, pilit na tinatahak nina Aurelia at Anchali ang madilim na eskinita, bawat hakbang ay laban sa oras.“Mama, my ears hurt…” iyak ni Anchali, tinatakpan ang kanyang tainga.“Just a little more, anak… please, don’t stop. We can’t stop,” bulong ni Aurelia, kahit ang baga niya’y halos pumutok sa hingal.Sa kanilang pagtakbo, napansin niya ang isang sirang bahay sa gilid ng kalsada—bukas ang pinto, at tila walang tao. Wala nang ibang pagpipilian, kaya agad niyang hinila si Anchali papasok.Sa loob, puro alikabok at sirang gamit ang bumungad. Ngunit sapat itong taguan, kahit saglit. Pinaupo niya si Anchali sa ilalim ng mesa, at siya nama’y lumuhod, yakap ang bata.“Shh… anak, stay quiet. They can’t find us here.”Nanginginig ang katawan ni Anchali, ngunit tumango ito at isiniksik ang sarili
Huling Na-update : 2025-09-01 Magbasa pa