“Kakarating lang namin noong nakaraang araw. May business trip kasi rito ang asawa ko,” kwento ko habang tinutulungan ang sarili kong ngumiti.“May asawa ka na pala,” medyo gulat na saad ni Jiro, medyo bumagal ang galaw niya habang iniaayos ang upuan.Hindi ko alam kung bakit, pero sa simpleng tanong niya, bigla kong naalala na hindi pa rin nagte-text si Denver mula pa kaninang umaga. Hindi naman siya gano’n kadalas magparamdam, pero usually kahit "kumain ka na?" meron. Pero ngayon, wala. Ni isang "seen."“Ilang taon na kayo?” tanong ulit ni Jiro, na tila hindi naman mapilit pero curious lang.Saglit akong natigilan. Ilan taon na nga ba kami ni Denver? Wala pa nga yatang isang taon. Actually, buwan pa lang ata?“Okay ka lang?” tanong ni Jiro, breaking my thoughts.“Yeah, sorry. May naalala lang ako,” sagot ko, pilit na ngumiti.“Hmm. Ganon ba,” ani niya, bahagyang seryoso ang tono, pero hindi naman confrontational. Parang may gusto pa siyang itanong pero pinili na lang hindi ituloy.D
Last Updated : 2025-06-26 Read more