"I have to go now, Zelica. Babalik na lang ako rito sa café bukas kapag ide-deliver na yung mga in-order mong supplies from our business. Good night, Zelica... Magpahinga ka na rin later, ha?" Pagpapaalam ni Luke sa akin dahil may aasikasuhin pa raw ito. Bago umalis ay talagang pinisil pa nito ang mga pisngi ko at tuluyan nang lumabas sa café. Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko talaga maintindihan kung bakit nakakaramdam ako pagkailang kay Luke ngayon dahil matagal na kaming magkakilala nito. "Hay nako, ang sakit sa ulo mag-isip. Awat na brain, magpahinga ka na lang, please." Naiiling na pagkausap ko sa aking utak at sa aking sarili. Nakita kong medyo madilim na sa labas kaya naman napatingin ako sa relos ko para alamin kung anong oras na. "Sh*t, alas sais na! Susunduin ko pa si Ryuta sa school niya!" Napapamurang usal ko sa aking sarili dahil anong oras na pala at masiyadong napatagal ang pag-uusap naming dalawa ni Luke. Kaagad akong nagmadali para lumabas na s
Last Updated : 2025-11-21 Read more