“MAY gusto ka bang ipabili sa akin, Mama? Magsabi ka na dali,” malambing na tanong ni Zelica sa kaniyang ina. Tinawagan ni Zelica agad ang ina pagkatapos ng duty sa bar dahil balak niyang dumaan sa malapit na mall para bumili ng kaniyang favorite egg pie sa Silverlocks. “Wala naman akong gusto, Nak. Umuwi ka na lang agad dito sa bahay.” Napanguso na lang si Zelica nang dahil doon. “Sus, nahiya pa talaga sa akin magpabili.” “Sige na nga, polvoron ako,” natatawang sagot ni Mama kaya naman natawa si Zelica. Nagpaalam agad si Zelica sa kaniyang ina at saka naglakad papasok sa mall. “Isang egg pie nga po and isang pack ng polvoron…” “Is that all, Ma’am?” tanong ng cashier. Tumango si Zelica. “Yes po…” “Okay, that would be 450 pesos po…” Inabot ni Zelica ang bayad sa cashier at saka nagpasalamat matapos makuha ang kaniyang order. Wala na sana siyang balak magtagal pa sa mall pero may namataan siyang pamilyar na mukha sa isang fast food restaurant. “P-Papa?” hindi makapaniwala
Terakhir Diperbarui : 2025-06-06 Baca selengkapnya