NAPATIKHIM si Jav nang tuluyan na siyang makatayo sa tapat ng bahay nina Elorda. Saglit siyang huminga nang malalim, pilit pinatatatag ang loob. Ito na siguro ang huling pagkakataon. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto at kumatok. Maya-maya’y bumukas iyon at bumungad si Elorda. Natigilan ang babae nang makita siya. May hawak na bulaklak at dalawang supot ng pasalubong. “Jav…” mahinang sambit ni Elorda, halatang hindi inaasahan ang pagdating niya. “Hindi ako magtatagal,” agad niyang sabi, pilit na kalmado ang boses. “Gusto ko lang makita ang mga anak natin bago ako umalis.” Sumilip ang dalawang bata mula sa likuran ni Elorda. Nang makilala si Jav, sabay silang tumakbo palapit. “Daddy!” sigaw ni Uno, mahigpit na niyakap ang kanyang binti. Napayuko si Jav at lumuhod, yakap ang kambal. “May pasalubong ako sa inyo,” aniya sabay abot ng dala niyang supot. “Maging mababait kayo, ha? Makinig kayo kay Mommy.” Nang tumayo si Jav, napansin ni Elorda ang panginginig ng kamay ng asawa na
Última actualización : 2025-12-31 Leer más