-Norman-“Si Don Facundo.” sagot ni Jake mula sa kabilang linya. “Teka nga muna, bakit mo ba tinatanong ang tungkol kay Savanna, magkakilala ba kayo? Wait, hindi ko sigurado kung si Don Facundo nga. Hindi ko kasi masyadong nakita ang mga mukha ng mga dumukot sa kanya, pero sigurado ako na hindi tauhan ni tiyo Fernando ang mga iyon.”Bago pa ako makasagot, nakita kong pabalik na si Missy sa sasakyan. “Mamaya na lang ulit kita kakausapin, Jake.” at ibinaba ko na ang tawag.Kinuha ko ang phone mula sa aking bulsa at isinend na kay Kyle ang video ng ebidensiyang nakalap ko laban kay Fernando. Bago tuluyang makasampa si Missy sa kotse, naitago kong muli ang aking telepono sa bulsa ng suot kong pantalon.“Nagpaalam lang ako dito sa hospital, na matagal akong hindi makakapasok dahil may aayusin ako. At iyon ay ang ating kasal, Norman.” nakangiting sabi ni Missy, at napakuyom ako ng mga palad. “Halika, puntahan na natin ang mag-aayos ng sasakyan mo.”Pinaandar ko na ulit ang kotse, and after
Last Updated : 2025-10-19 Read more