-Norman-“Norman, kumain ka muna.” kasalukuyan akong sinusubuan ni Missy ng pagkain, pero kahit anong pilit niyang idampi ang kutsara sa bibig ko, hindi ko ito ibinubuka. Pinipigilan ko ang sarili ko, at ayaw kong tanggapin kahit isang subo mula sa kanya. Isa pa, wala din akong gana.Nasa loob na ako ng kanyang kuwarto. Nakaligo na ako kanina sa tulong niya, at nabihisan na rin ako ng malinis na damit. Kahit paano ay nalinis na rin ang mga sugat ko sa braso, sa mukha, at sa buong katawan. Ramdam ko pa rin ang hapdi ng mga galos, sugat at pasa, pero mas matindi ang bigat ng pakiramdam ng pagkakabihag nila sa akin. Dahil nakatali pa rin ang mga kamay at paa ko, pero sa kama na nga lang.“Missy, hindi ako kakain hanggat hindi mo ako pinapakawalan dito.” nagtatagis ang mga bagang na saad ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nila ako inilipat dito sa kuwarto nya, pero mas okay sana dahil mas kumportable, kung wala lang si Missy na laging nakabantay sa akin.Hindi rin ako makapag-isip ng m
Last Updated : 2025-10-30 Read more