-Valerie-Pagdating sa bahay, ipinasok lahat ni Leo ang mga pinamili namin sa kuwarto ko. Sumunod naman sa akin si Luke sa loob, at nang makita niya ang mga paper bag sa sahig, napakunot noo siya.“Bukas mo na ayusin ang mga ‘yan. Magpahinga ka na muna.” sabi niya habang pinapanood akong ayusin at ihilera ang mga ito sa sofa.Ang dami ba naman kasing binili. Mukhang hindi ko naman magagamit lahat ‘to.“Sige po, Sir Luke. Salamat ulit ha. I promise, pagbubutihin ko ang trabaho ko.” lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya. “Kailangan mo ba ng masahe bago ka matulog?”“Yes, but not tonight. Alam kong pagod ka.”“Hindi, okay lang. Kaya pa naman.”“No.” he shook his head. “Sige na. Magpapahinga na rin ako.” pinihit na niya ang wheelchair niya patalikod sa akin at pinanood ko na lang siyang lumabas ng kuwarto.Agad naman akong naligo at nagbihis. Inilabas ko ang isa sa mga pantulog na binili ni Luke, at papakagat-labi ako nang makitang sobrang pala daring nito. Jusko! Parang ne
Terakhir Diperbarui : 2025-12-15 Baca selengkapnya