-Valerie-Pinanlakihan ako ng mga mata ni Savanna. Iniiwas ko agad ang tingin ko sa kanya, at bahagyang yumuko, pero pinagalitan ako ng make-up artist. “Huwag po masyadong malikot madam.”“Sorry.” nakangiwing sambit ko, at muling tumingin kay Savanna. “Wala akong ginawang kalokohan ano!”“Umamin ka na. Kung hindi, si Jake ang tatanungin ko kung anong nangyari kagabi.” pagbabanta niya.Muli ay napakagat-labi ako. “Oo na, sige na. Sasabihin ko na sa’yo.”“Sige, makikinig ako.” nankangising saad niya.“So, heto na nga. Dare ang pinili ko, tapos itong bruhang si Mildred, inutusan akong halikan daw sa pisngi ‘yung lalaking gusto ko.” pagkukuwento ko habang umiikot ang aking mga mata, pero deep inside kilig na kilig ako. Ang sarap talaga magkuwento sa best friend. Nailalabas mo ang lahat ng kilig mo.“Omg! Hinalikan mo sa pisngi si kuya Luke?!” malalaki ang mga matang tanong niya, at may pagyugyog pa sa mga balikat ko.“Ouchie, Savanna! You’re hurting me!” maarteng sabi ko, pero nakangiti a
Last Updated : 2025-12-02 Read more