-Valerie“Very good, daddy! Sana nga magtuloy-tuloy na ‘yan basta huwag ka nang babalik sa dati mong bisyo ha. Siguro naman natuto ka na sa pagkakamali mo sa buhay.”“Oo naman, anak.” nakangiting sagot niya. “At salamat sa’yo. Patawarin mo din ako sa mga nagawa kong kasalanan sa’yo noon. Kami ng mommy mo.” napakurap-kurap ito, pero bago pa ito mapaiyak, biglang hinanap ang kanyang apo. “Nasaan nga pala ang apo ko? LJ, apo! Yoyo is here! Miss na miss ka na ni yoyo!”“Naku, daddy. Tulog si LJ.” sabi ko sa kanya at palihim na pinunasan ang mga luha ko. “Pero may ipapakilala ako sa’yo. Gusto mo bang malaman kung sino?”“Sino naman, anak? Huwag mong sasabihing babae ‘yan, ha. Alam mo namang kuntento na ako sa isa.” mayabang na wika niya.“Daddy ha! Huwag ka nang umasa!” tumawa ako, pagkuway biglang nagseryoso. “Pero babae nga ito, at kilalang-kilala mo.”“Ha? Sino?” kunot ang noong tanong niya. Dahan-dahan kong iniharap ang screen kay Georgina na kanina pa umiiyak sa tabi ko. Natulala nama
Read more