-Valerie-“Magpakasal na kayo ni Kuya Luke para makabuo na ulit kayo. A child can make a relationship stronger and bring two people closer together. Believe me, Valerie. Pakiramdam ko, mas mahal ako ni Norman ngayon dahil sa mga anak namin.” dagdag pa ni Savanna. Kitang-kita ko naman sa mga mata niya na masaya siya sa piling ni Norman dahil mahal na mahal pa rin siya nito.“It’s not that easy, Savanna.” sa wakas ay sumagot ako sa kanya. “Paano ang coffee shop ko dito? Sinong maiiwan? Sinong mamamahala? Bagong tayo pa lang ito, iiwanan ko na kaagad?”Natawa siya sa mababaw kong rason. “Ang daming restaurant ni kuya sa Paris kaya hindi mo kailangan ito, Valerie. Kayang-kaya ka nang buhayin ni kuya kahit wala itong… LJ’s Creamy Delight?” at parang nagkaroon siya ng pagkakataong itanong kung bakit ganoon ang pangalan ng coffee shop ko. “Teka, sino si LJ? Don’t tell me may asawa ka na? Ang sabi mo si kuya lang ang mahal mo.”Bago pa ako makasagot, biglang tumunog ang bell chime sa pinto,
Read More