-Kyle-“Oo na! Alam ko ‘yan, pero pipiliin mo ang tutulungan mo, at isipin mong mabuti kung ikapapahamak mo ito o hindi!” sinipa ni kuya ang paa ko kaya bumagsak ito at natanggal sa pagkakadekuwatro ko.“Ang kulit mo naman kuya eh! Siya nga ‘tong lumalapit sa akin! Siya ‘tong tumawag at humingi ng tulong. Alangan namang hindi ko pansinin. Alangan naman hindi ko tulungan. Nasaan naman ang puso ko kung ganun ang gagawin ko, kuya. Sabihin mo nga?”“Iwasan mo! Ganun lang yun kasimple. At saka, bakit sinabi ni Jake na marunong ka na daw mang-hack? Kaninong password ang hinack mo, at saka bayad ka na ba sa wifi?” sunod-sunod na tanong niya sa akin, at napatampal ako sa noo.“Oo nga pala.” kinuha ko na rin ang pagkakataong iyon para umiwas sa kanyang pang-iinterogasyon sa akin. “Sige, magbabayad muna ako.”“Teka, Kyle! Hindi pa tayo tapos! May sasabihin pa ako sa’yo!” sabi ni kuya, pero tumayo na ako at lumabas ng bahay. Naiirita na ako sa boses niya. Siguro binasted siya ni Savanna kaya mai
Read more