-Jasmine-Hindi na siya sumagot kaya alam kong sumang-ayon na siya sa sinabi ko. Pero maya-maya lang ay nagtext ulit siya. “Isang oras. Kapag lumampas ka dito, pasensyahan tayo. Papatayin ko lahat ng mga kasamahan niya at idedemanda ko din siya ng child abuse, rap3, at kidnapping. Mark my word, Jasmine.”Alam kong hindi nagbibiro ang daddy ko, kaya naman nandito ako ngayon sa harap ni Kyle at nakikipaghiwalay ulit sa kanya.“Itigil na natin ‘to, Kyle. Alam mong itinuring akong prinsesa ng tatay ko buong-buhay ko. Hindi ko kakayaning mabuhay kasama ang isang tulad mo. Sana inisip mo rin ang kinabukasan ko bago mo ako kinidnap. Sana…”“Pag-aaralin kita!” hinawakan niya ako ng mariin sa mga balikat, at bigla na lamang siyang napaiyak. “Habang nasa bahay ka, habang nagsasama tayo, mag-aaral ka. Hindi ko iyon ipagkakait sa’yo.” nagsimulang yumugyog ang kanyang mga balikat. “Magtatapos ka ng pag-aaral kung ano mang kurso ang gusto mo. Aalagaan kita. Ihahatid-sundo kita araw-araw, magtatraba
Read more