Bumalik silang magkasama sa unit, dala ang USB at bigat ng mga pangalan.Pagkarating nila sa loob, dumiretso si Theodore sa study area habang si Dorothy ay nanatili sa tapat ng pinto. Hinubad niya ang coat at ibinitin ito sa likod ng upuan, saka tumigil saglit para huminga. Pakiramdam niya, simula nang pumanaw si Agatha, ito na ang pinaka-seryosong hakbang na ginawa niya. Hindi na siya simpleng testigo. Isa na siyang tinig.Sa study, mabilis na kinonekta ni Theodore ang USB sa isang secured laptop. Ang liwanag mula sa screen ay bumalot sa mukha nito, at sa katahimikan ng silid, tanging tunog ng pagtitipa ng keyboard ang maririnig. Nakatayo lang si Dorothy sa gilid, pinagmamasdan ang bawat window na bumubukas sa desktop, bawat file na binubuksan at ini-scan.“May PDF folder dito,” wika ni Theodore, hindi inaalis ang tingin sa screen. “Mga internal memo, screenshots ng email threads, draft ng article. Lahat may timestamp. Maganda ang pagkakaayos.”“May pangalan ko?” tanong niya, lumapit
Terakhir Diperbarui : 2025-07-06 Baca selengkapnya