Sa mismong araw ng kanyang divorce, nagsuot si Dorothy Navarro ng pulang bestida—hindi para mang-akit, hindi para magpakitang okay siya, kundi para alalahanin ang minsang pagmamahalan na ngayo'y ganap nang nawala. Pagkatapos niyang talikuran ang isang sirang kasal ng walang halong drama, ang huli niyang inaasahan ay ang mapansin ng pinakanakamisteryosong CEO sa bansa—si Theodore Velasco. Tahimik. Mapanuri. Mapanganib sa mga taong humaharang sa daan niya. At tila may alam ito tungkol sa matagal nang tinataguang katotohanan: ang pagkamatay ng tiyahin ni Dorothy—isang kasong tinapos ng mundo bilang "suicide." Ngunit isang tawag lang, isang paper bag ng kape, at nahulog si Dorothy sa isang masalimuot na mundo ng lihim, kapangyarihan, at paghilom ng lumang sugat. Upang mabuhay sa bagong laban, kailangang mamili ni Dorothy: pagkatiwalaan ang lalaking walang emosyon ngunit may hawak ng katotohanan—o layuan ang tanging taong handang bigyan siya ng proteksyon, kalayaan, at isang bagong apelyido—Mrs. Velasco. Ngunit ang kasunduang kasal na ginawa para sa paghihiganti… ay baka mauwi sa totoong pagmamahal. Magtatagumpay ba si Dorothy bilang maging tagapagmanang pinagkait sa kanya noon? O ang pangalawang pagkakataon niya sa pag-ibig ang tuluyang magpapabagsak sa kanya?
View MoreSa araw ng kanyang diborsyo, nagsuot si Dorothy Navarro ng isang pulang bestida. Hindi dahil sa gusto niyang magmukhang kaakit-akit. Hindi rin dahil gusto niyang ipakita na okay siya.
Isinuot niya ito bilang paalala.
Paalala na minsan, naging masaya siya. Naging masaya silang dalawa.
Pero ngayon, ang pulang tela na minsang sumisimbolo ng pagmamahal ay isa nang habing binigkis ng sama ng loob, luha, at hindi na maibabalik na tiwala.
Tahimik ang loob ng civil registrar’s office sa Makati. Ang lamig ng air conditioning ay tumatagos hanggang buto, lalo na’t kaharap niya ngayon si Lucas Moreno, ang lalaking minahal niya, pinakasalan, at ngayon ay tinutuldukan na niya.
“Huling pirma na lang po, Ma’am,” sabi ng empleyado sa lamesa, habang iniaabot sa kanya ang dokumento.
Pinirmahan niya ito nang walang alinlangan. Walang tanong. Walang pagdadalawang-isip.
Sa tabi niya, si Lucas ay nakatingin sa kanyang relo.
Hindi man lang tumingin sa kanya.
“Congratulations,” malamig na biro ni Lucas habang tinatanggap ang divorce certificate.
Napangiti si Dorothy, hindi sa saya, kundi sa wakas, tapos na. “Sa wakas,” tugon niya, malamig din ang tinig.
Walang palitan ng “I’m sorry.” Wala ring alok ng closure.
Habang papalabas sila sa gusali, isang tinig ang narinig ni Dorothy, isang boses na kilala niya kahit anong oras ng gabi.
“Lucas!”
Si Amara Lee. Ang babae ng nakaraan at, malinaw ngayon, ang babae ng kasalukuyan.
Nagmamadali itong lumapit, halos hindi alintana ang presensiya ni Dorothy. At sa harap ng civil registrar building, kung saan kaka-divorce lang nila ni Lucas, ay buong kumpiyansang kumapit si Amara sa braso ng lalaki.
“Pasensya ka na, Dorothy,” ani Amara, may ngiting nagpapanggap na mabait. “Hindi ko sinadyang masaktan ka.”
“Wala ka nang kailangang ikasorry,” sagot ni Dorothy, malamig. “Wala na rin namang nasasaktan kapag manhid na.”
Tahimik lang si Lucas. At sa halip na alisin ang kamay ni Amara, mas hinigpitan pa nito ang hawak.
Sa loob ni Dorothy, naramdaman niyang isang yugto ng kanyang buhay ang tuluyang nasara. Tapos na ang mga gabing iniyak niya ang mga sakit, at tapos na rin ang pag-asang dati ay naging sandalan niya. Hindi na siya ngayon bulag sa optimismo.
Sa gilid ng parking area, habang papalayo siya sa eksenang iyon, isang itim na sasakyan ang huminto sa harap niya.
Bumaba ang isang lalaki, matangkad, maputi, nakasuot ng dark blue coat at may presensiyang agad-agad ay sumisigaw ng mapanganib at makapangyarihan.
Ang lalaki ay walang iba kundi si Theodore Velasco.
Narinig na niya ang pangalan nito mula sa media, isang negosyanteng bihirang lumabas sa publiko, kilala sa pagiging misteryoso, mapanganib kung makipag-negosasyon, at higit sa lahat… walang pakialam sa kahit sino.
At ngayon, eto siya. Nakatingin kay Dorothy, para bang alam niya kung anong klaseng araw ang pinagdaanan niya.
“Ms. Navarro,” sambit nito, mababa at mahinahon ang boses.
Napalingon si Dorothy at nagulat. Anong pagkakataon ang ibinigay ng tadhana para makilala siya nito.
Hindi niya alam kung bakit siya kinausap ng lalaking ito.
“Bagay sa’yo,” sabi ni Theodore habang nakatitig sa kanyang bestida. “Ang pula.”
Naglakad ito paalis, iniwan siyang tulala at naiwan sa sariling tanong: Bakit alam ng isang estranghero kung anong eksaktong kulay ang nararapat sa isang babaeng bagong-divorce? O sadyang maganda lang talaga ako sa bestidang ‘to?
-
Gabi na nang makauwi si Dorothy. Sa shed habang naghihintay ng taxi, kinuwento niya sa kanyang matagal nang kaibigan na si Veronica ang nangyari.
Malamig ang hangin, pero mas malamig ang kalooban niya.
Binuksan niya ang envelope na hawak niya, ang divorce certificate nila. Walang titulo. Parang isang papel lang na binubura ang dalawang taong pinagdaanan niya.
Tumunog ang telepono niya.
Unknown Number.
Walang pangalan pero sinagot niya parin ang tawag.
“Masyadong maraming alam si Agatha kaya kailangan niyang manahimik. Huwag ka basta-basta magtitiwala sa kung sino.”
Nanigas ang kanyang mga daliri.
Agatha.
Hindi na niya narinig ang pangalang iyon mula nang namatay ang kanyang tiyahin dalawang taon na ang nakakaraan. Nagtapos iyon sa pasyang isang suicide ang nangyari.
Naramdaman niya ang biglang pagtaas ng tibok ng kanyang puso. Bigla niyang naalala ang huling bisita sa burol ni Agatha, isang matandang babae na bumulong sa kanya: “Hindi siya namatay sa pagkakamali. Pinatahimik siya.”
Pinindot ni Dorothy ang delete sa mensahe, pero bago pa niya ito tuluyang mabura, may isang tinig na lumapit mula sa likod.
“Miss Navarro.”
Napalingon siya.
Si Theodore. Nakasuot pa rin ng parehong coat. Ngunit may hawak nang maliit na paper bag at dalawang takeaway coffee.
Ngumiti ito, bahagya lang, parang hindi sanay.
“Kumain ka na ba?”
Tiningnan ni Dorothy si Theodore at iba ang kanyang naramdaman. Hindi panganib mula sa kaaway pero kaligtasan dulot ng isang tirahan. Payapa. Sa hindi niya alam na dahilan, pakiramdam niya’y may dahilan kung bakit sila nagtagpo ngayon.
At ang mas nakakakilabot?
Hindi pa niya sinasabi kahit kanino na namatay si Agatha. Lalong hindi niya binanggit ang pangalan ng tiyahin kanina.
“May gusto akong pag-usapan…” walang emosyon itong tumitig sa kanya. “…tungkol kay Agatha.”
Umaga pa lang, alam na ni Dorothy na magiging mahirap ang araw. Hindi dahil may paparating na bagong banta, kundi dahil naramdaman niyang masyado nang tahimik ang paligid. Isang uri ng katahimikan na parang hinihintay ng mundo na may mangyari.Nakatayo siya sa kitchen island, hawak ang tasa ng kape, nakatingin sa wall clock na tila hindi gumagalaw. Suot niya ang isang loose cotton shirt at pajama pants, wala siyang plano lumabas, walang plano maging formal. Hindi pa man siya nag-aalmusal, at hindi niya rin alam kung gusto ba talaga niya.Sa kabilang sulok ng unit, naroon si Theodore, pinipindot ang mga control buttons ng built-in surveillance system. Halos hindi siya gumagalaw sa posisyon nito, nakayuko lang, tahimik. Gaya ng dati.“Are you ever not calm?” tanong ni Dorothy, mahina ngunit may halong biro.Nag-angat ng tingin si Theodore. “Do you want me to panic?”“Hindi naman,” sagot niya, umiikot ang tasa sa kamay. “Just curious.”Wala itong binigay na sagot. Pero may bahagyang pag-
Tahimik ang gabi.Pagkatapos ng araw na puno ng impormasyon, pangalan, at mga tanong na walang kasiguraduhan, ngayon lang muling nakaramdam si Dorothy ng katahimikan. Hindi dahil natapos na ang gulo. Sa totoo lang, ngayon pa lang ito nagsisimula. Pero sa mga sandaling ito, sa loob ng apartment na pansamantalang nagsisilbing mundo nila, may pahinga. At iyon ang pinakamahalaga sa ngayon.Nasa sulok si Theodore, nakaupo sa isang lounge chair malapit sa bukas na bintana, hawak ang tablet. Kahit hindi ito nagsasalita, ramdam ni Dorothy ang presensya nito, tulad ng isang tahimik na alon sa baybayin. Hindi kailanman umaabala, pero palaging nariyan.Si Dorothy naman ay nasa sofa, nakabalot sa isang light gray na throw blanket, may hawak na tasa ng mainit na tsaa. Sa harap niya ay isang tray ng natirang pastry na hindi niya nagalaw buong araw. Ang liwanag mula sa reading lamp sa tabi ay lumilikha ng malambot na tingkad ng liwanag, sapat upang magmukhang buhay ang paligid kahit halos wala naman
Tahimik ang apartment nang umalis si Mr. Ilustre.Hindi agad nagsalita si Dorothy. Sa loob ng ilang minuto, hawak pa rin niya ang envelope, parang takot siyang buksan ito nang hindi sapat ang kanyang lakas ng loob. Mabigat iyon sa kamay, ngunit mas mabigat ang ideya kung anong laman nito. Hindi niya alam kung anong mas mahirap, ang manatiling walang alam, o ang malaman ang buong katotohanan at mawalan ng kakayahang umiwas.Si Theodore ay naroon pa rin, tahimik sa gilid ng sala, pinapanood siya ngunit hindi nanghihimasok. Ang kilos nito ay walang bahid ng pag-aalinlangan. Hindi siya nagtatanong kung kailan bubuksan. Hindi rin ito naghihintay ng pahintulot. Nandoon lang siya, gaya ng nakasanayan, isang presensyang hindi man palagi nagsasalita ngunit laging naroroon.“Gusto mo ba munang magpahinga?” tanong nito, mahinahon.Umiling si Dorothy. “Hindi ko na kayang ipagpaliban 'to. Lahat ng ito, pakiramdam ko parang may pader sa harap ko. At alam ko, ito ang susi na bubuwag sa pader na iyon
Hindi kasama sa plano ang lumabas.Gustong manatili ni Dorothy sa loob ng unit kung saan kahit papaano ay may seguridad. Ngunit sa kabila ng bagong apartment na may tinted glass, reinforced locks, at layers of surveillance na pinaglaanan ng pera at atensyonni Theodore, ang katahimikan sa loob ay masyadong maingay para sa isip niyang hindi mapakali. Kailangan niya ng hangin, hindi mula sa air purifier, kundi ‘yung totoong hangin. Isa lang siyang simpleng babae ngayong umaga, hindi target, hindi kasosyo sa kontrata, hindi pangalan sa headline.“Maglalakad lang ako saglit,” aniya, habang isinusukbit ang sling bag. “Isang kape lang. Baka magbabawas lang ng iisipin.”“Okay,” sagot ni Theodore. Tahimik itong lumapit at iniabot ang coat niya. Gaya ng inaasahan hindi man lang siya nito pinigilan. “Keep your phone on.”“Of course. I should.”Wala nang ibang salitaan. Ganoon lang palagi sa pagitan nila. Walang pilitan. Walang drama. Isang presensya na may bigat kahit walang salita.Pagkababa ni
Ang langit ay kulay-abo nang magising si Dorothy. Tahimik ang silid, at ang malamig na liwanag mula sa labas ng bintana ay dahan-dahang sumisiksik sa pagitan ng blinds. Hindi pa siya sanay sa bagong apartment masyado itong malinis, masyadong moderno, parang hindi pa rin totoo. Wala pa rin ang amoy ng lumang kahoy, o ang mga ingay na pamilyar sa dating bahay nila ni Agatha.Ngunit ito ang pinili nilang pansamantalang tirhan isang ligtas na lugar, malayo sa mga mata ng publiko at sa aninong sumusubaybay sa kanila.Dahan-dahan siyang bumangon. Sa kabilang sulok ng kwarto, naroon si Theodore, nakaupo sa armchair, tahimik na binabasa ang tablet. Hindi ito natulog sa kama kagabi, pero hindi rin lumabas ng silid. Gaya ng dati, hindi niya kailangang magsalita para malaman mong nandiyan lang siya.Naglakad si Dorothy sa sala, huminto sandali sa may estante kung saan naroon ang ilang kahong dala nila mula sa lumang bahay, iilang pinili lang niyang isama mula sa mga gamit ni Agatha. Hindi niya ak
Maaga pa lang ay may nagbago na sa atmosphere ng unit.Hindi pa man sumisikat nang buo ang araw, may halong tensyon at katahimikan na sa pagitan nila. Hindi ito galit, hindi rin tampo, isa itong antisipasyon. Pareho nilang alam na mula sa sandaling inilathala ni Dorothy ang kanyang pahayag kagabi, may mga mata na ring nakatutok sa kanila ngayon. Tahimik lang si Theodore habang binubuksan ang blinds sa sala, dahan-dahang pinapapasok ang liwanag ng araw. Sa kabila ng pagbabadya ng gulo, ang kilos nito ay palaging kalmado. Predictable. Grounding.Nakahawak si Dorothy sa tasa ng mainit na tsaa, pinagmamasdan ang screen ng kanyang cellphone habang tahimik na nag-aabang. Wala pang email. Wala pang reply mula sa sinumang media outlet o opisyal. Ngunit hindi iyon nangangahulugan ng katahimikan. Ang mundo ay hindi laging sumisigaw kapag gumagalaw, madalas, gumagapang ito sa likod ng mga screen, sa pagitan ng mga share at retweet.Pagkatapos ng isang tahimik na almusal, pinili niyang umupo sa t
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments