Sa hallway, kinuyom ni Sharon ang kanyang mga kamao sa sobrang higpit ay bumaon ito sa kanyang mga palad. Sa galit, lumabas siya ng kwarto at nagsimulang tumawag kay Macie.Kahit ilang beses niya itong idial, narinig niya lang ay ang parehong malamig na automated voice. Nagsend siya ng mga message, ngunit walang reply. Si Sharon ay malapit nang mawala sa tamang pag iisip. Sa master bedroom, si Edward ay nagshower, sinusubukan pakalmahin ang sarili. Tumawag ulit siya kay Nathan, tinatanong kung may progress sa paghahanap kay Macie. Nang makuha niya ang parehong nakakadismayang sagot, galit niyang hinagis ang kanyang phone papunta sa dulo ng kwarto.Habang nakahiga sa kama, nakadilat ang kanyang mga mata, imposibleng matulog. Dalawang gabi nang wala si Macie. Nang maisip na posibleng kasama ang ibang lalaki—hinahalikan ito, o mas malala—pakiramdam ni Edward na para bang sasabog na ang ulo niya. Napuno siya ng galit, sinusunog ang natitirang katinuan.Sa kabilang kwarto, hindi r
Magbasa pa