Sino Ang Nagsisisi Ngayon

Sino Ang Nagsisisi Ngayon

Oleh:  Summer BlossomBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel4goodnovel
Belum ada penilaian
100Bab
9Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Si Macie Smith ay kasal kay Edward Fowler ng dalawang taon na—dalawang taon na pagiging housekeeper ni Edward, walang pagod na naging tapat at mapagkumbaba. Dalawang taon ay sapat na para maubos ang bawat butil ng pagmamahal niya kay Edward. Ang kasal nila ay natapos nang bumalik mula sa ibang bansa ang first love ni Edward. Simula ngayon, wala na silang kinalaman sa isa’t isa. Wala na silang utang sa isa’t isa. “Hindi na ako bulag sa pag ibig, Edward. Sa tingin mo ba ay susulyapan pa kita kung nakatayo ka sa harap ko ngayon?” … Pinirmahan ni Edward ang divorce papers, hindi nag aatubili. Alam niya na mahal siya ni Macie ng higit pa sa buhay mismo—paano siya iiwan ni Macie? Hinihintay niya na pagsisihan ni Macie ang lahat—babalik si Macie ng luhaan, nagmamakaawa na tanggapin siya ni Edward. Gayunpaman, napagtanto ni Edward na mukhang seryoso si Macie ngayon. Hindi na mahal ni Macie si Edward. … Noong tumagal, lumabas ang katotohanan, at nabunyag ang nakaraan. Sa huli ay nagkamali si Edward kay Macie noon. Nataranta siya, nagsisisi, at nagmamakaawa kay Macie upang patawarin siya. Gusto niyang makipagbalikan. Sa sobrang irita ni Macie sa ugali ni Edward ay nagpadala siya ng notice na nagsasabi na naghahanap siya ng asawa. Sa sobrang selos ni Edward ay halos mawala siya sa tamang pag iisip. Gusto niyang magsimula muli, ngunit napagtanto niya na hindi man lang siya pasok sa minimum requirements.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Kabanata 1

Dalawang insidente ang nangyari sa araw na nagdesisyon si Macie Smith na makipag-divorce.

Una, ang first love ni Edward Fowler, si Sharon Emerson, ay bumalik sa bansa. Upang ipagdiwang ang okasyon, si Edward ay gumastos ng napakalaki upang mag-rent ng isang cruise, kung saan nagpalipas siya ng dalawang mainit na araw at gabi kasama si Sharon.

Ang media ay nagreport ng maraming tsismis tungkol sa potensyal nilang pagkikipagbalikan.

Pangalawa, tinanggap ni Macie ang imbitasyon ng isang collage senior upang muling sumama sa kumpanya na founded nito bago maging isang director.

Aalis si Macie ng lugar na ito pagkatapos ng isang buwan.

Natural, walang kahit sino ang may pakialam sa plano niya. Para kay Edward, si Macie ay isang katulong lamang na nagpakasal sa Fowler family.

Sa panahong ito, tahimik na inalis ni Macie ang lahat ng kanyang bakas sa Fowler residence. Bumili siya ng isang flight ticket palabas ng lungsod habang walang nakakaalam nito.

Pagkatapos ng tatlong araw, walang kahit ano dito ang may kinalaman kay Macie. Sila ni Edward ay magiging estranghero sa isa’t isa.

“Kailangan ko ng dalawang portions ng soup. Ipadala ito, ngayon na.”

May isang text notification na lumabas sa phone ni Macie. Kumunot ang noo niya sa mapagmataas na tono ni Edward habang hinawakan niya ng mas mahigpit ang kanyang phone.

9:40 pm na sa sandaling yun. Dumalo si Edward sa isang welcome-back party na ginawa niya para kay Sharon.

Noon, kahit kailan ay hindi inutusan ni Edward si Macie na magdala ng anumang pagkain. Dinadala niya ang kanyang pagkain sa bahay dahil ayaw niyang lumabas sa publiko kasama ang kanyang asawa dahil sa kahihiyan. Tumanggi siya na tanggapin si Macie.

Kung nangyari ito noon, si Macie ay masayang iisipin na si Edward ay tinatanggap na siya. Ngunit ngayon, alam niya na kinontact lang siya ni Edward para kay Sharon dahil nag-request si Edward ng dalawang portions ng soup.

Sa huli ay gagawin ni Edward ang lahat para sa kanyang tunay na pag-ibig, kasama na ang publikong pagtanggap sa kanyang legal na asawa, na trinato niya ng may paghamak.

Habang nakalaylay sa kanyang gilid ang kanyang mga braso, pumunta si Macie sa kusina para maghanda ng soup. Nang tingnan niya ang countdown timer sa kanyang phone, napagtanto niya na 29 na araw na lang bago ang kanyang kontrata sa lolo ni Edward, si Yosef Fowler, ay matatapos na.

Kapag natapos na ang kontrata, magiging malaya na siya.

Sa dalawang taon na kasama niya si Edward, hindi niya nakuha ang puso nito. Sa huli, puno lamang siya ng delusyon.

Wala na siyang lakas sa loob niya para mahalin si Edward.

Sa huling buwan niya kasama si Edward, tutuparin niya ang tungkulin niya bilang asawa ni Edward. Kumulo ang soup sa pot. Ito ay isa sa pinakamasarap na recipe niya, dahil maraming beses niya itong ginawa para kay Edward sa nakalipas na dalawang taon.

Ang mga mata niya ay tumingin sa ibang lugar. Nakaramdam siya ng payapa na kalungkutan sa kanyang dibdib.

Makalipas ang kalahating oras, dala ni Macie ang isang thermos container na may dalawang portions ng soup at kumuha ng isang taxi papunta sa Hollinger Hotel.

Umupo siya ng tahimik sa loob ng taxi habang binabasa ang text mula sa isang unknown number noong umaga.

“May, natatandaan mo ba ako? Si Sharon ito! Bumalik na ako sa bansa. Masaya ako na makikita kita ulit, kahit na inagaw mo sa akin si Edward.”

“Magkaibigan pa rin naman tayo. Magkita tayo para sa dinner.”

Kahit kailan ay hindi binanggit ni Edward kay Machie ang welcome-home party. Alam niya lang ang tungkol dito dahil sa text invitation mula kay Sharon.

Ngumisi siya sa pekeng kabaitan ni Sharon.

Hindi siya makapaniwala na may lakas ng loob si Shard na akusahan siya ng pang aagaw kay Edward. Sa katotohanan, si Sharon ang tumanggap ng ten million dollars mula kay Yosef kapalit ang pag alis ng bansa.

Kaya naman, wala siyang karapatan na akusahan si Macie sa pag agaw kay Edward mula sa kanya.

Umaamin si Macie na makasarili siya. Tinanggap niya ang pagkakataon na makasama si Edward, ngunit kahit kailan ay hindi siya namagitan kela Edward at Sharon.

Para naman sa kabaitan…

Ang dating Macie ay maniniwala na si Sharon ay mabait at hindi mananakit ng kahit sino. Gayunpaman, naintindihan na ni Macie ang katotohanan noong high school. Sa oras na yun, huli na ang lahat. Siya ay itinakwil ng lipunan at binully, lahat dahil kay Sharon.

Ang kanilang high school classmates ay nagkataon na nasa welcome-home party, kasama ang ilan sa mga “mabuting kaibigan” ni Macie noon. Naisip niya na walang duda na nasa panig sila ni Sharon.

Walang intensyon si Macie na dumalo sa party dahil alam niya na ito ay isang patibong. Ayaw niyang makipagkita sa kanyang dating mga kaigan, na kinamumuhian niya. Plano niya na ibigay ang soup at umalis.

Naghanda siya ng sarili at huminga ng malalim nang dumating siya sa private dining room door nila. Pagkatapos, kumatok siya.

May taong sumagot ng pinto sa loob ng ilang segundo. Inabot ni Macie ang thermos container, ngunit napagtanto niya na si SHaron ang nagbukas ng pinto sa halip na si Edward. Si Sharon ay may suot na puting gown.

“May, nandito ka! Pasok. Hinihintay ka nilang lahat.” Ngumiti ng malaki si Sharon. Perpekto ang kanyang makeup, parang isang prinsesa.

Bago ito, nakita ni Macie ang necklace ni Sharon—ang Blue Ocean—sa bahay. Nakuha ito ni Edward sa isang auction isang araw bago ang kahapon. Tulad ng inaasahan, binili niya ito para kay Sharon.

“Ayos lang. Nandito lang ako para dalhin ang soup,” Sumagot si Macie, ang mukha niya ay walang emosyon.

“Macie, naging malayo na ba tayo sa isa’t isa makalipas ang dalawang taon ng hindi nakikita ang isa’t isa? Hindi ba’t sinabi ko na hindi na kita sinisisi sa pag agaw mo kay Edward mula sa akin?” Kinagat ni Sharon ang kanyang labi at nagsimula siyang magpanggap na maging biktima.

Nagsawa na si Macie sa pagpapanggap ni Sharon. Pumunta siya sa tabi at sinubukang ilapag ang soup sa loob ng kwarto. Ngunit pinigilan siya ni Sharon sa paglagay ng kamay sa takip ng container. Nanginig ng konti ang hinlalaki ni Sharon.

Pagkatapos, sinabi niya kay Macie, “Kung ayaw mo talaga na mapunta sa party, dadalhin ko kay Edward ang soup na ito para sayo.”

Kumunot ang noo ni Macie, nalilito sa desisyon ni Sharon. Gayunpaman, binigay niya kay Sharon ang soup dahil wala siyang intensyon na dumalo sa party.

Sa panahong ito, nabigo si Sharon na hawakan ng mabuti ang soup container, kaya naman ito ay bumagsak sa sahig. Dahil ang lid ay nakabukas na, ang mainit na soup ay tumapon sa lugar. Kasabay nito, si Sharon ay napa atras at sumigaw, “Aray! Ang binti ko! Ang sakit!”

Ang sigaw niya ay kumuha ng atensyon ng lahat ng bisita sa kwarto. Lumapit si Edward habang si Sharon ay nagsimulang umiyak.

“Macie, bakit hindi mo sinara ng maayos ang container? Kahit ito, hindi mo kayang gawin ng tama?” Halos nakaupo si Edward sa sahig at tinanggal niya ang kanyang jacket. Ginamit niya ito para punasan ang soup mula sa binti ni Sharon. Kasabay nito, pinuna niya ang “pagkakamali” ni Macie.

“Yun ay—”

Bago pa maipagtanggol ni Macie ang kanyang sarili, sumingit si Sharon. “Edward, pakiusap, wag mong sisihin si May para sa aksidente. Kasalanan ko at hindi ko hinawakan ng tama ang container.”

Tumingin si Edward sa container na nasa tabi nila. Kinuha niya ang lid at tumingin ng masama kay Macie.

“Nasa maayos na kondisyon ang lid. Wala man lang itong crack. Kaya, si Sharon ba ang hindi humawak ng tama, o sinasadya mong buksan ang lid bago mo ito ibigay?”

Tumingin si Macie sa container, nabigla siya.

Ang container ay may magandang kalidad. Ang lid ay hindi mabubuksan sa pagbagsak lamang nito sa sahig. Ngunit ang lid ay talagang binuksan ng walang senyales ng pag-crack.

“Hindi ko binuksan ang lid. Paano ko ito madadala dito?” Ang katwiran niya.

“Wala akong pakialam! Sinasadya mo ito. Ano pa ba ang masasabi mo?” Tumitig ng malamig si Edward kay Macie.

Sa mga mata ni Edward, si Macie ay isang babae lang na gagawin ang lahat para magpakasal sa kayamanan. Walang ideya si Edward kung paano nakumbinsi ni Macie si Yosef na pumayag sa kasal at palayasin si Sharon papunta sa ibang bansa. Iniisip niya kung paano siya pinilit ni Macie na pakasalan ito.

Kaya naman, kahit kailan ay hindi niya pakakasalan si Macie.

Pagkatapos, ihagis ang lid, tumalikod siya para buhatin si Sharon mula sa sahig. Sa oras na yun, nakita niya mula sa sulok ng kanyang mata ang isang malaking paso sa tuktok ng paa ni Macie.

Si Macie rin, ay napaso mula sa mainit na soup. Ang paso niya ay tila mukhang mas malala kaysa kay Sharon.

Kumunot ang noo ni Edward. May naisip siya sandali, ngunit sa huli ay tumayo siya ng hindi nagsasalita.

Wala siyang pakialam kung si Macie ang mas nasaktan. Naisip niya na nararapat ito kay Macie bilang karma sa pananakit sa iba.

Noong binuhat niya si Sharon, kumapit ito sa leeg niya, mukhang nahihiya at nagaalala. “Edward, si May ay…”

“Wag kang mag alala sa kanya. Hindi siya mamamatay. Dadalhin niya ang sarili niya sa hospital,” Ang walang emosyon na sinabi ni Edward. “Pero isang model ka. Ang paso sa binti mo ay isang mas seryosong problema.”
Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
100 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status