Matapos ang ilang araw sa mansyon, kailangang umalis si Katherine para sa isang biyahe sa negosyo ng pamilya.Ngunit sa pagkakataong ito, hindi niya maaaring isama si Zabrina. Kaya naman bago umalis, nag-iwan muna siya ng mga salita sa dalaga.“Zabrina, aalis ako ng ilang araw pero hindi ka nag-iisa rito. Mananatili si Maricel sa tabi mo. Kung kailangan mo ng kahit ano, tanungin mo lang siya,” aniya sa dalaga.“Opo, Lola. Huwag po kayong mag-alala,” mahiyain namang tugon ni Zabrina.“Sige na, aalis na ako. Babalik ako sa loob ng ilang araw. Huwag kang lalabas ng mansyon, ha?” paalala ni Katherine sa kanya.“Huwag po kayo mag-alala, mag-iingat po ako.”Sa araw na iyon, wala nang ginawa si Zabrina kung hindi ang kumain ng hapunan at matulog. Tulad ng dati, binasa niya ang liham na iniwan ng kanyang lolo para sa kanya.Gusto niyang isipin na siya lang ang sinulatan nito dahil wala itong petsa. Nakakapagdulot iyon nang matinding pagkalungkot at nostalgia para sa kanya.Samantala, b
Baca selengkapnya