Beranda / Romance / Chasing The CEO's Unwanted Wife / Kabanata 1 Hindi Na Kita Mahal, Zabrina

Share

Chasing The CEO's Unwanted Wife
Chasing The CEO's Unwanted Wife
Penulis: Alut

Kabanata 1 Hindi Na Kita Mahal, Zabrina

Penulis: Alut
Kasalukuyang nakatayo sa balcony ng kwartong tinuluyan si Zabrina sa loob ng tatlong taon. Wala siyang balak na buksan ang ilaw para takpan ang mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi sa madilim na gabi.

‘Dapat na itong matapos dahil hindi ko na kaya pa. Sobra na ang lahat kaya tama na…’ bulong niya sa sarili habang nakatingin sa kawalan, ang mga luha'y patuloy pa rin sa pag-agos.

Ilang sandali lang, biglang hinila pabalik sa reyalidad si Zabrina ng mga ilaw mula sa paparating na sasakyan na kanyang nakita. Paparating na ang mahal niyang asawa, at alam niya na kung ano ang susunod na mangyayari.

Si Jacob Guerrero, ang kanyang asawa ay ang CEO ng Guerrero Enterprise, isa sa pinakamalaking kumpanya sa rehiyon ng Central Luzon. Kaninang umaga, nakalimutan nitong dalhin ang isang folder na may lamang mahahalagang dokumento na ayon kay Maricel at Zabrina, siguradong kailangan niya ito at malalagay siya sa alanganin kung wala ang mga ito.

Ilang beses niyang tinangkang tawagan si Jacob para ipaalam ang tungkol sa mga dokumento pero walang siyang sagot na nakuha kaya lumabas siya ng mansyon at nagdesisyong siya na mismo ang magdadala nito. Si Maricel lang ang kanyang sinabihan, ang kanilang kasambahay.

“Hindi sumasagot si Jacob, Maricel. Sigurado ka bang dala niya ang mga dokumento kanina?” nag-aalalang tanong ni Zabrina sa katulong.

“Oo, senyorita. Nasa sala siya kanina habang inaayos ang mga ito sa kanyang attache case nang may tumawag sa kanya. Palagay ko nakalimutan niyang isama. Siguradong kakailanganin niya ‘yon,” sagot ni Maricel.

“Sige, sige, pupunta na ako ngayon at baka umabot pa ako,” ani Zabrina sa kanya.

“Mag-ingat po kayo sa pagmamaneho, senyorita!” paalala ni Maricel habang nagmamadaling lumabas si Zabrina.

Ilang sandali lang, nakarating na si Zabrina sa kumpanya ng mga Guerrero. Agad siyang pumasok sa lobby papunta sa opisina. Sa tatlong taon nilang mag-asawa, ngayon lang siya nakapunta roon pero dahil sa isang mahalagang bagay.

Tahimik lamang ang reception area at alam niyang may elevator na diretsong umaakyat sa opisina ng CEO. Mabuti na lang at iyon ang napili niyang sakyan.

Pagkarating niya sa itaas, napansin niya na walang tao sa pasilyo, at kahit sa mesa ng sekretarya ay wala rin.

“Saan kaya si Jacob? Nasaan kaya ang lahat?” mahinang tanong niya sa sarili, ngunit syempre ay walang sumagot sa kanya.

Agad siyang lumapit sa isang eleganteng pinto na gawa sa kahoy. Hindi na siyang nagsayang ng oras at pumasok nang hindi kumakatok. Ngunit sa kanyang pagdating, isang makapigil-hiningang eksena ang bumungad sa kanya.

Nakababa ang pantalon na suot ni Jacob, at umuungol habang may katalik—mas matindi pa sa kung paano siya makipagtalik kay Zabrina. Malinaw na nakita ni Zabrina ang babaeng katalik nito, at walang iba kung hindi si Celeste Martin, ang nag-iisang babaeng assistant ni Jacob.

Nang dahil sa kanyang nasaksihan, nabitawan ni Zabrina ang folder na dala niya, at napalingon si Jacob sa ingay. Agad nitong tinakpan ang sarili nang makita si Zabrina at nagmamadaling isinara ang pantalon, habang si Celeste naman ay nagtakip ng damit upang takpan ang kanyang hubad at pawis na katawan.

“Walang-hiya ka! Ang babaeng ito pala ang kabit mo?!” sigaw niya kay Jacob at hindi na nakapagtimpi. “Ang bababoy niyo! At ikaw babae ka? Papatayin kita!” sigaw ni Zabrina habang papalapit kay Celeste.

Ngunit, bago pa man niya ito maabot, naramdaman niya ang biglang pagsakit ng kanyang tiyan. Bigla na lamang siyang sinuntok ni Jacob na hindi niya inaasahan kaya naman napaluhod siya sa sahig.

Samantala, wala namang nagawa si Jacob kung hindi ang saktan si Zabrina nang makitang aatikihin na niya ang babaeng minamahal niya.

Habang nakaluhod si Zabrina sa sahig, agad na tinawagan ni Jacob si Kaizer.

Agad namang dumating si Kaizer at tinulungan niyang makatayo si Zabrina na hawak pa rin ang kanyang tiyan. Umiwas naman ng tingin si Kaizer sa babae na bahagyang nakabihis lang. Nakaramdam siya ng awa sa asawa ni Jacob, at sigurado siyang napakasakit ang natuklasan nito.

“Dalhin mo si Zabrina pabalik sa mansyon, Kaizer. Huwag mo siyang hayaang umalis.” Mariin na utos ni Jacob.

“Mrs. Guerrero, umuwi na po tayo. Kailangan ninyong kumalma,” sambit ni Kaizer at binigyang-diin niya ang pagbanggit sa apelyidong ‘Guerrero’ kahit alam niyang mapapagalitan siya. Ngunit, kampi siya kay Zabrina ngayon.

“Kaizer?”

“Opo, sir.”

“Manatili ka sa mansyon at huwag mo siyang hahayaang lumabas,” utos ni Jacob sa malamig at mabagsik nitong boses.

‘Saan naman pupunta ang kawawang babae? Wala siyang kakilala sa lugar na ito, at ang asawa pa niya ay pinutol ang kanyang pakikipag-ugnayan sa iba,’ ani Kaizer sa isip niya.

“Ma'am, tara na po. Ihahatid ko na kayo pauwi.”

“Hindi! Ayoko pang umuwi!” singhal ni Zabrina.

“'Wag mo nang pahirapan pa. Alam mo kung paano magalit si boss kapag nawalan siya ng pasensya,” paliwanag niya sa babae.

“Kaizer, ayoko na. Gusto ko na bumalik sa lugar ko. Gusto ko nang bumalik sa dati kong buhay!” sambit ni Zabrina habang umiiyak.

Napakabigat sa damdamin ni Kaizer ang mga sinabi nito. Alam niya kung gaano kaseryoso ang dahilan kung bakit napilitang tumakas si Zabrina sa kanyang lugar at ang pagbabalik ay maaaring maglagay sa kanila sa alanganin, lalo na sa kanyang lolo.

“Ma'am, pasensya na po. Kailangan ko kayong ibalik sa mansyon.”

“Alam ko, Kaizer. Nasabi ko lang ito dahil naisip ko na gusto ko na maging malaya, kahit sa panaginip man lang,” paliwanag ni Zabrina.

“Alam mong hindi pwede at delikado para sa lolo mo.”

“Iyan lang ang dahilan kung bakit ako nananatili. Kung hindi dahil sa kanya, matagal ko nang iniwan ito, kasal man o hindi.”

Ito ang huling sinabi ni Zabrina kay Kaizer. Agad na silang umalis. Pagdating ng mansyon, binuksan ni Kaizer ang pinto ng kotse at nakita niya kung paano dahan-dahang bumaba si Zabrina na bakas ang tila pang-aabuso, pagkahiya, at tila kinalimutang babae sa itsura niya.

Masakit para kay Kaizer, pero wala siyang magagawa dahil si Jacob Guerrero ay kilalang mapangahas at hindi pumapayag na may mangialam sa kanyang buhay may asawa.

Tanging si Katherine Guerrero, ang lola ni Jacob lamang ang lakas-loob na kumontra rito pero wala siya sa kasalukuyan.

Pagkatapos titigan ang buwan at ang langit nang ilang sandali habang nag-iipon ng lakas para sa susunod na unos na darating, agad nang pumasok si Zabrina sa loob na hindi binubuksan ang ilaw.

Dumiretso siya sa banyo upang punasan ang kanyang mukha na puno ng mga luha. Nanginginig ang kanyang mga kamay dahil alam niyang paparating na ang problema niya.

Samantala, pagkarating ni Jacob, agad niyang sinalubong ang kanilang katulong.

“Maricel?” aniya sa katulong.

“Opo, sir?”

“Nasaan ang senyorita mo?” tanong niya rito.

“Nasa kwarto na po siya. Sinabihan ako ni Kaizer na bantayan siya at baka kung ano ang gawin. Ayos lang po ba ang lahat?” takang tanong ni Maricel sa kanya.

“Ayos lang, Maricel. Hindi ko na kailangan ang serbisyo mo ngayong gabi. Pwede ka na magpahinga.”

“Sige po, sir. Papunta na rin sana ako sa kwarto ko,” sagot naman sa kanya ni Maricel.

“Hindi, Maricel. Ang gusto ay umalis ka na at iwanan mo kaming dalawa ni Zabrina,” diin na sabi ni Jacob.

“Pero, sir—”

“Umalis ka na!” singhal ni Jacob sa katulong.

Napilitan naman na umalis si Maricel, kinakabahan, at walang ideya kung bakit tila wala ito sa huwisyo ngayon. Ngunit, ngayong gabi, sobrang nakakatakot ng ekspresyon ni Jacob.

“Zabrina!” tawag ni Jacob sa kanya habang papasok ito sa kwarto.

“A-Ano?” utal niyang sagot, habang naglalakad palabas mula sa banyo.

“Gusto ko nang paliwanag tungkol sa inasta mo kanina sa opisina.”

“Wala akong dapat ipaliwanag,” sagot ni Zabrina sa kanya.

“Zabrina!” singhal ni Jacob sa pangalan niya.

“'Wag kang mag-alala. Hinding-hindi na ako babalik sa opisina mo. Kapag may nakita akong kailangan mo, ipapatawag ko na lang si Kaizer.”

“Sana nga dahil pinagbawalan na kitang pumunta sa kumpanya. Ipinag-utos ko na ring huwag kang papasukin doon,” galit niyang sabi.

“Sinabi ko naman sa 'yo na 'wag na mag-alala dahil hindi na ‘yon mauulit,” sagot niya habang nagbibihis. “Kung wala ka nang ibang sasabihin, pwede bang umalis ka na sa kwarto ko?”

Hindi nakaimik si Jacob. Napakuyom ang kanyang mga kamay dahil hindi ito ang reaksyong inaasahan niya. Naghanda pa siya ng mga sasabihin pag-uwi dahil inaasahang niyang sisigawan siya ng babae dahil sa galit.

“Alam mong hindi kita mahal, Zabrina. Pinakasalan lang kita dahil sa lola ko at totoong mahal ko ay si Celeste Martin. Kaya tayo magkasama ay dahil sa matagal na pagkakaibigan ng lolo mo at ng lolo ko.” Mariin na sabi sa kanya ni Jacob.

“Alam ko at hindi mo na kailangang paalalahanan ako tuwing may ginagawa kang labag sa kasal natin,” tugon ni Zabrina bago tuluyang pumasok sa kanyang dressing room at isinara ang pinto.

Nang makita naman ni Jacob ang lungkot sa mukha ni Zabrina, ay tila bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang dibdib, ngunit hindi niya alam kung bakit. Mas minabuti na lamang niyang umalis sa kwarto nito.

Pumasok na siya sa master's bedroom, naligo, at maagang nahiga. Habang natutulog, bigla na lamang siyang nilaro ng kanyang alaala. Isang alaala kung paano sila unang nagkakilala ng kanyang asawa.

Umaga noon at pagod na pagod siya. Gusto lamang niyang uminom ng tubig pero sa halip ay nakita niya ang isang dalagang naka-pajama, at umiinom ng gatas. Hindi nito magawang makapagsalita sa harap niya. Ngunit ang mga mata nitong kulay brown, hugis bilog, at tila nangungusap ay siyang kumuha sa kanyang atensyon. Nagpanggap siyang walang pakialam, ngunit ang kanyang puso ay nakuha ng mga titig ng dalaga.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Chasing The CEO's Unwanted Wife   Kabanata 50 Magkahalong Damdamin

    Sumulat si Kaizer kay Jacob matapos makita ang mga haka-haka sa social media. Nang makita ni Jacob ang balita, alam niyang narinig na ito ni Zabrina, at ang posibilidad ng pagkakabalikan ay tuluyang nawala.“Kaizer, gumawa ka nang maayos na kasunduan sa diborsyo at ipadala mo ito sa bahay ni Lola. Simulan mo na ang lahat ng kailangang ihanda para sa diborsyo. Kung maaari, mas mabuti kung hindi na kami magkita pa.”“Sir…” ani Kaizer na may pag-aalinlangan.“Ano’ng bahagi ng sinabi ko ang hindi mo naintindihan? Kailangang matapos na ang kasal namin ni Zabrina bago ang anibersaryo ng kumpanya.”“Sige po, sir,” tugon ni Kaizer na tila wala nang magawa.Sinimulan na ni Kaizer ang pag-draft ng kasunduan. Tungkol sa hatian ng ari-arian, isinama niya ang ilang milyong kabayaran at mga mansyon na maaaring ilipat sa magiging dating asawa. Tinapos niya ang dokumento at ipinadala ito kay Jacob para sa pag-apruba.Samantala, nasa apartment ni Celeste si Jacob. Hindi ito tumigil sa kakasabi tu

  • Chasing The CEO's Unwanted Wife   Kabanata 49 Isang Sanggol Sa Daan

    Sa Bicol...Nakaupo sina Jacob at Celeste sa harap ng gynecologist habang hinihintay ang resulta ng mga pagsusuri.“Miss Martin, Mister Guerrero, congratulations. May paparating na sanggol. Batay sa aking nakikita sa mga resulta, nasa siyam na linggong buntis na kayo.”“Love, congratulations! Magiging ama ka na!” masayang sabi ni Celeste.Si Jacob, na kailanma’y hindi inakalang darating siya sa ganitong sitwasyon, ay nagsalita nang may pag-aatubili, “Celeste, hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko…”Inakala ni Celeste na positibo ang reaksyon ni Jacob, na napipi lang ito dahil hindi niya inakalang dumating na ang sandaling ito nang pagkakaroon ng anak. Ang hindi niya alam, sa loob ng isipan ni Jacob ay puro kaguluhan at matagal na siyang nagpasya na tapusin ang relasyon nila ni Celeste at subukang ayusin ang kanyang kasal kay Zabrina.Ngayon, isang sanggol ang magpapagulo sa lahat ng desisyong iyon. Nang umalis siya sa silid ng kanyang asawa kaninang umaga, hindi niya inakalang m

  • Chasing The CEO's Unwanted Wife   Kabanata 48 Isang Bagong Pagkadismaya

    Pagsapit ng umaga, nagising si Zabrina na giniginaw. Wala ang mainit na yakap ni Jacob. Inisip niyang baka bumangon ang kanyang asawa upang ipaghanda siya ng almusal. Bagaman may bumabagabag sa kanyang dibdib, nagbihis siya at lumabas upang maglakad sa hardin. Dumaan siya sa kusina, ngunit wala roon si Jacob. Walang bakas man lang ng kanyang asawa. Bumalik siya sa kwarto at kusa niyang hinanap ang kanyang maleta, ngunit wala na ito.Sandaling naupo siya sa gilid ng kama, hindi makaisip nang maayos. Ang nangyari kagabi ay espesyal para sa kanya. Ayaw niyang tanggapin ang malinaw na katotohanan. Sa isa namang pagkakataon, naloko na naman siya ng lalaking ito at bumagsak siyang muli gaya ng dati.Sinubukan niyang iwasang mag-isip ng masama, ngunit sa paglipas ng oras at hindi pa rin siya dumarating, kinuha niya ang kanyang telepono at tinawagan ito. Tumunog ang tawag, pero hindi sinagot.Alas-diyes na ng umaga, at nagpasya siyang tumawag sa mansyon, kalahating nag-aalala, kalahating ga

  • Chasing The CEO's Unwanted Wife   Kabanata 47 Ang Buhay Kasama Siya

    Sa pagbabalik nila sa Consolacion, isang linggo nang nananatili si Jacob sa bahay ng kanyang lola, masigasig na inaalagaan ang kanyang asawa. Isang araw, naglakas-loob pa siyang ipagluto ito ng almusal at dalhin sa kama.“Jacob, ang sarap nito. Hindi ko akalaing marunong kang magluto!” sabi niya.“Marami pa tayong ‘di alam tungkol sa isa’t-isa, pero tiyak na ‘di ako mamamatay sa gutom,” sagot niya.“Gano’n ba? Ang sarap talaga. Gusto mo?” tanong niya, iniaabot ang tinidor na may piraso ng French toast.Masaya niya itong tinanggap. Unti-unti nang ibinababa ni Zabrina ang kanyang depensa, at ikinatuwa iyon ni Jacob.Buong linggo na silang magkasama sa iisang kama. Nakakatuwa dahil mula sa unang araw, laging nasa dulo ng kama si Zabrina, pero sa paggising niya, lagi siyang nasa mga bisig ni Jacob, mainit at matatag. Noong unang araw, tumanggi siya at sinabing huwag na sana iyong maulit. Pero, sa totoo lang, hindi si Jacob ang lumalapit sa kanya dahil kusa itong gumagalaw papalapit sa

  • Chasing The CEO's Unwanted Wife   Kabanata 46 Positibong Pagsusuri

    Sa Bicol, ilang daang kilometro ang layo mula sa Cebu, isang pangyayari ang nagsimulang mabuo. Isang pangyayaring magbabago sa takbo ng lahat.Nagbitiw na si Celeste sa trabaho at nanatiling kalmado, umaasa pa ring dadalawin siya ni Jacob. Sigurado siyang may magandang paliwanag ito sa nangyari.Ngunit habang lumilipas ang mga araw at hindi ito dumarating, unti-unting lumilitaw sa kanyang dibdib ang isang kakaibang pakiramdam. Isang kutob na hindi maganda. Hindi ito ang normal na asal ng minamahal niya.Isang karaniwang umaga, nagising siyang may paghilo at pagduduwal. Mabilis siyang tumakbo sa banyo. Hindi iyon ang unang beses na naramdaman niya ito nitong mga nagdaang araw, kaya’t lalo siyang nabahala.Kinuha niya ang kanyang telepono at binuksan ang isang app na tumutunton sa kanyang buwanang dalaw—dalawang linggo na siyang delayed.“Hindi, Hindi! Hindi ito pwedeng mangyari ngayon! Hindi pwede!” bulong niya, sabay suot ng coat at nagmamadaling lumabas papuntang botika.Lumabas

  • Chasing The CEO's Unwanted Wife   Kabanata 45 Ang Unang Gabi

    Maghapon na nanatili si Jacob sa mansyon, kasama si Zabrina at tinutulungan siyang inumin ang kanyang mga gamot. Si Michael naman, hindi kinaya ang desisyon at sa huli ay umalis, halatang masama ang loob.Pagsapit ng gabi, hindi pinalampas ni Katherine ang pagkakataong subukang muling paglapitin ang dalawa. Pinili niyang maghapunan nang mas maaga at agad pumasok na sa kanyang silid bago pa sila matapos.Habang naghahapunan, dalawang plato lamang ang inilatag ni James, bagay na ikinagulat ni Zabrina.“James, nasaan si Lola?” tanong niya.“Namamahinga ang ginang dahil medyo napagod siya at mas piniling matulog na,” sagot nito.“Ah, gano'n ba.”“Sa tingin ko kayo lang po ni Sir Jacob ang magkasalo sa hapunan ngayon,” dagdag ni James.Napasinghap bigla si Zabrina.Nakaramdam siya nang bahagyang kaba sa dibdib. Bagaman nanatili siyang kalmado sa presensya ni Jacob, hindi ibig sabihin ay komportable siya. Pinilit niyang magmukhang payapa sa kabila ng kabaitan ng asawa, pero kabisado

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status