RAMIRONagising ako sa Ospital, sinubukan kong igalaw aking ulo at lumingon sa kanan at nakita ko si Eleizha na mahimbing na natutulog. Hawak niya ang kamay ko. Nagulat naman ako ng biglang iniluwa ng pinto si Ram at Elise na tila naghahabulan habang nagtatawanan. “Kids?” “Daddy, you’re awake!” saad ni Elise na ngumiti ngunit nagpatuloy na sa paglalaro.Lumapit naman si Ram at nagising si Eleizha dahil sa ingay nila. “Mahal, gising ka na!” saad ni Eleizha na puno ng pag aalala sa kanyang mukha. “May masakit ba sayo? saan masakit? sabihin mo sa akin, tatawag ako ng doktor,” saad niya pa na hindi halos mapakali. “I’m fine, honey, relax,” “Next time daddy, mag ingat ka na sa pagda drive,” saad naman ni Ram at saka sumunod kay Elise. “How can I relax, Ramiro, damn it! naaksidente yung kotseng sinasakyan mo at dumiretso sa tulay, halos gumuho ang mundo ko habang pinapanuod ko sa T.V ang nangyari! Akala ko iiwan mo na kami,”“Ano? nabalita ito sa TV?!” tanong ko. “Oo, naglagay pa ng
Read more