ELEIZHA“Flight? Abroad dad?!” naalarmang tanong ko. “Yes Hija, I know this is too risky for my condition but I’m doing this for you,” saad ni daddy na pinisil ng marahan ang kamay ko. “Which country?” “Singapore lang naman,” “Ah, malapit lang, pwede ka sumunod,” saad ni Ramiro na abot langit ang ngiti kung kaya’t tinapakan ko ang sapatos niya, napangiwi siya sa sakit ngunit pinipigilan niya dahil kaharap niya si Daddy. “No, masyadong delikado para kay Eleizha, gusto kong dumito ka lang anak at saka isa pa, nasa pangangalaga mo ang organization kaya hindi ka pwedeng sumama,” “Eh… kelan kayo babalik?” malungkot na tanong ko. “Wala pang tentative date pero I will update you, so, Ramiro, is that okay with you?” “Uhm, yes sir, well, okay din iyon, makalanghap naman ng ibang hangin,” saad ni Ramiro. “Okay, it’s settled then, you are dismissed,” saad ni Daddy kung kaya’t lumabas na kami ng office niya. “Bakit mo ako tinapakan?! ang sakit! naka boots ka pa!” asik niya ng makalabas
Last Updated : 2025-07-15 Read more