Gaya ng ipinangako ni Lawrence, hindi nga siya umalis ng mansion kinaumagahan. Maaga siyang nagising, at pagbaba ko sa sala, sinabi na lang sa'kin ni Butler Paul na nasa kusina daw ito at nagluluto. Dahan-dahan naman akong naglakad upang silipin siya. Napangiti ako nang makita ko itong nagluluto na sumasayaw-sayaw pa habang kumakanta. "Maganda yata ang gising ng isang ito," bulong ko at umiling. Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya at hindi ko na inabala pa. Dumeritso na ako sa garden upang maglakad-lakad, para naman ma exercise ang katawan ko. Labis kung kinagigiliwan ang naghahalong amoy ng mga bulaklak na halaman namin, mas nangingibabaw pa nga ang halimuyak ng sampagita. No wonder kung bakit ito ang naging pambansang bulakalak. "Good morning love! Dinala ko na rito ang breakfast natin, naisip ko kasi mas maganda kung preskong hangin ang nalalanghap mo habang kumakain tayo," ani ni Lawrence na naglalakad habang may dala-dalang plato. Sa likod niya naman nakasunod si Butler Pa
Última actualización : 2025-11-20 Leer más