Dumaan ang isang linggo bago kami tuluyang bumalik. Nakahinga ako nang maluwag nang payagan ako ni Lawrence na bisitahin si Lolo sa bahay. Minabuti ko na rin lang na ako lang ang magpunta, para makausap ko si lolo ng masinsinan. Hindi na ako kumatok, kaagad ko ng binuksan ang pinto, may susi naman ako. Naabutan ko si lolo na nakaupo sa paborito niyang puwesto, nanlaki pa nga angmata nito nang makita ako. "Apo, bumalik ka na!" Kaagad niya akong niyakap. Yakap na may pananabik. "Lolo," niyakap ko siya ng mahigpit. "Ano bang totoong nangyayari, Apo? Pakiramdam ko may tinatago ka sa'kin. Kung ano man ito, sabihin ko sa'kin," aniya kaya bahagya pa akong nagulat."Ano po ba ang pinagsasasabi niyo Lolo? Wala naman po akong tinatago," pagsisinungaling ko. Pero kilala ko si Lolo, hindi ko man aminin, alam kung ramdam niya ito."Apo, lolo mo ako. Kilalang-kilala kita. Pero kung hindi mo pa kaya na ipagtapat sa akin, ayos lang. Saka na lang kung handa ka na, nandito lang ako. Lagi mong tatan
最終更新日 : 2025-07-15 続きを読む