Masaya nila akong kinantahan ng Happy Birthday. Ramdam ko ang saya sa bawat palakpak at sa bawat ngiti ng mga taong mahalaga sa akin. Matapos ang kanta, pinapikit nila ako, pinag-wish, at saka ko marahang hinipan ang mga kandila. “Kainan na ng totoong pagkain, dahil mamaya, pagkatapos ng birthday, iba na ang kakainin ng may mga asawa riyan sa tabi-tabi,” pabirong pagpapatama ni Vernon habang nakataas ang kilay. Agad namang napuno ng tawanan ang dining area. “Tama ba ako, Father Florentine?” dugtong pa niya habang inaakbayan ang kapatid ko. “Kawawa naman tayong mga single. Magpapakahirap pa tayong aliwin ang mga sarili natin.” Napailing na lamang si Florenze sa biro nito. “Mag-asawa na kasi kayong dalawa,” ani Gia habang abala sa pagsubo ng pansit palabok. “Ang dami-daming babae diyan. Kayo pa, sa mga mukha n’yo, imposible namang walang mahihibang sa inyo.” “Kapag nakapag-asawa na si Florenze, saka na lang din ako mag-aasawa,” sagot ni Vernon, may kasamang paggalaw ng kilay.
Last Updated : 2025-12-25 Read more