MasukLimang taon na kasal si Yeon Na kay Henry, pero sa isang iglap, naghiwalay rin sila dahil sa isang masakit na paratang na baog daw siya. At para gawing mas masahol pa ang lahat, isang linggo matapos ang diborsyo nila, nakatanggap pa siya ng imbitasyon sa baby shower ng sarili niyang nakababatang kapatid—na buntis sa dating niyang asawa. Bigo man at sugatan ang puso, gumawa siya ng isang matapang na desisyon. Lumapit siya sa nag-iisang lalaking alam niyang makakatulong para muling mabawi ang dignidad niya—si Sire Vemeer, ang kanyang boss. Isang kilalang playboy, isang bilyonaryong CEO, at... half-brother ng ex-husband niya. Hindi para umibig. Hindi para magka-relasyon. Isa lang ang gusto niyang mangyari... ang mabuntis. Kung nakaya siyang pagtaksilan ng kanyang kapatid at ni Henry, kaya niya ring gumawa ng paraan para gumanti sa mga ito. Gagamitin niya rin ang kapatid ni Henry para maipamukha rito na hindi siya baog. Na kaya niyang magdalang-tao. Pero paano kung ang panandaliang plano ay mauwi sa permanenteng koneksyon? At paano kung, sa gitna ng paghihiganti, matutunan niyang magmahal muli, sa isang lalaking ni minsan ay hindi niya pinangarap?
Lihat lebih banyak**Yeon Na**
“The court grants the dissolution of marriage between Yeon Na Elise Hajjimara and Henry Yair. No further claims will be pursued. This divorce is now finalized,” pinal na hatol ng judge, habang mariing ibinaba ang kanyang wooden gavel sa mesa. Mariin kong naipikit ang aking mga mata, pilit na pinipigilan ang mga luhang gustong bumagsak dahil sa naging hatol ng judge kahit ginusto ko naman ang diborsyong ito. I look at my husband... now, my ex-husband. Ang saya niya, dahil sa wakas ay diborsyado na siya at maipagpapatuloy na niya ang relasyon niya sa nakababata kong kapatid. Just like that, years of marriage discarded like yesterday’s news. All the sacrifices, the silent cries, the broken expectations ay binalewala niya. And now, he's starting a new life... with my own sister. Ilang beses akong napabuntong-hininga. That was a week ago. I am now single, after five years of marriage. Muli akong humugot ng lakas ng loob habang nasa harapan ng pinto ng opisina ni Mr. Vemeer. Nasa dalawampu’t anim na palapag ako ng Vemeer Enterprises Main Building. Lexus Sire Vemeer is the CEO of this company. I have been working under his company for 6 months. I started as an executive assistant under his direct supervision. And I know, everyone knows of my struggles to get back here. Lahat ng empleyado rito, alam ang pinagdaanan ko. I had my divorce last week, naka-absent na ako ng tatlong araw ngayong linggo, bukod pa sa two weeks leave ko dahil sa divorce process ng kasal namin ni Henry. And despite that, I still showed up. Pumasok ako kahit wasak ang emosyon ko. Tila parang kahapon lamang ang naging final verdict ng diborsyo namin ni Henry. Ang bigat pa rin. Ang pait at ang sakit pa rin sa puso. Hindi ko akalain na sa limang taong pagsasama namin, limang taon ng pag-aaruga, pagtitiis, at pagmamahal ay pagtataksilan niya ako. At ang sarili ko pang kapatid ang naging kabit niya for more than fúcking three years. Mahigit tatlong taon akong ginawang tanga. Tatlong taon akong pinaniwala sa kasinungalingan habang masaya silang dalawa sa likod ng pagkukunwari. Ngayon, he is happy, alongside his parents, announcing my sister's pregnancy. May pa-baby shower pa silang gaganapin mamayang gabi, isang exclusive private party sa isang mamahaling hotel. And my parents? They don't care kung masasaktan ba ako o hindi. They even gave me the invitation to attend, dahil kapatid raw ako ni Elaine. As if that justifies everything. Napaka-insensitive nilang lahat. Parang gusto ko na lamang maiyak sa naiisip ko ang mga natanggap kong salita mula sa kanila. Hindi lamang nila piniling kampihan si Elaine kaysa sa akin, pinamukha rin nila sa akin na wala akong halaga sa buhay nila. Na tila isa akong outsider. Na hindi ako kabilang sa pamilyang Hajjimara. When the door slid open, I stepped inside the office, my red stiletto heels clicking against the polished marble. Naabutan ko ang boss ko na abalang nakatutok ang mga mata sa mga papeles na hawak niya. His office was neat, masculine, minimalist. Black leather chairs, dark wood shelves, floor-to-ceiling glass windows that overlooked the busy city below. He is wearing just a long-sleeved polo shirt with three unbuttoned buttons, na parang naiinitan siya, revealing a bit of his toned chest. Nakasablay naman ng maayos ang coat niya sa sandalan ng swivel chair. He is wearing eyeglasses, a Rolex watch on his wrist, and a sign pen in his other hand. Tahimik ang buong silid maliban sa tunog ng air conditioning. Pero nang marinig niya ang tunog ng takong ko sa marmol, bahagya siyang napatigil sa pagbabasa. Noong tuluyan na akong nakalapit sa mesa niya. Bahagyang napatingala siya sa akin, seryoso ang mukha. Napatitig ako sa asul niyang mga mata, kaya hindi niya naiwasan na mapakunot-noo. Halatang nabigla siya sa presensya ko, lalo’t bihira akong personal na pumunta sa opisina niya nang walang appointment o urgent na agenda. “What do you need, Mrs. Yair—I mean... Miss Hajjimara? May sasabihin ka ba? Sabihin mo na. I am busy. Marami pa akong gagawin,” aniya sa malamig na tinig, hindi inaalis ang tingin sa akin. Humigpit ang pagkakahawak ko sa hawak kong invitation card, halos malukot na iyon sa palad ko dahil sa tensyon at kaba. Hindi ko naman napigilang maibaba ang tingin sa nakasilay niyang malapad na dibdib. Muli akong napalunok ng laway, pilit pinapakalma ang sarili kong naghahalo na ang hiya, galit, at desperasyon. “I know it's weird to ask you this, Mr. Vemeer. Pero kakapalan ko na ang mukha ko,” panimula ko. Mas lalo siyang nagseryoso, inilapag ang ballpen sa ibabaw ng folder. “C-Can we have sex, Mr. Vemeer?” nanginginig ang boses kong saad sa kanya, halos pabulong pero malinaw. Sandali siyang natulala sa sinabi ko, waring hindi agad makapaniwala sa narinig. “I know you are rich. But I am ready to pay you for sex. I want to get pregnant as soon as possible. Will you get me pregnant? Will you be my babymaker?” walang halong birong saad ko, tuwid na tuwid ang tingin ko sa kanya. Desperada na ako. Gusto ko nang mabuntis. Gusto kong ipakita kay Henry na hindi ako baog. Na hindi ako ang may problema. I did a lot of tests and check-ups a year ago para malaman kung may problema ba sa akin, kung may diperensya ba sa matres ko kaya hindi ako mabuntis-buntis pero lahat ng results ay normal. At ngayon, gusto kong patunayan ’yon. Gusto kong ipakita sa kanila. Kay Henry. Kay Elaine. Sa buong pamilya ko. Na hindi ako ang kulang. Na hindi ako baog. Tuluyan siyang tumayo, umikot sa gilid ng mesa, at hinarap ako. Madiin ang lakad niya, waring pinag-iisipan ang bawat hakbang. Walang pag-aalinlangan ko namang sinalubong ang seryoso niyang mga tingin, bagama’t parang may maliit na bahagi sa akin na natatakot sa posibleng isagot niya. “Are you serious, Miss Hajjimara? Gusto mong mabuntis, at ako ang gusto mong maging tatay ng anak mo?” tanong niya sa akin sa baritonong boses, mababa at puno ng tensyon ang tono. Para bang sinusukat niya kung hanggang saan ang katotohanan sa mga salitang binitiwan ko.Masaya nila akong kinantahan ng Happy Birthday. Ramdam ko ang saya sa bawat palakpak at sa bawat ngiti ng mga taong mahalaga sa akin. Matapos ang kanta, pinapikit nila ako, pinag-wish, at saka ko marahang hinipan ang mga kandila. “Kainan na ng totoong pagkain, dahil mamaya, pagkatapos ng birthday, iba na ang kakainin ng may mga asawa riyan sa tabi-tabi,” pabirong pagpapatama ni Vernon habang nakataas ang kilay. Agad namang napuno ng tawanan ang dining area. “Tama ba ako, Father Florentine?” dugtong pa niya habang inaakbayan ang kapatid ko. “Kawawa naman tayong mga single. Magpapakahirap pa tayong aliwin ang mga sarili natin.” Napailing na lamang si Florenze sa biro nito. “Mag-asawa na kasi kayong dalawa,” ani Gia habang abala sa pagsubo ng pansit palabok. “Ang dami-daming babae diyan. Kayo pa, sa mga mukha n’yo, imposible namang walang mahihibang sa inyo.” “Kapag nakapag-asawa na si Florenze, saka na lang din ako mag-aasawa,” sagot ni Vernon, may kasamang paggalaw ng kilay.
**Gabriel** Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Lakad doon, lakad dito ang paulit-ulit kong ginagawa sa likod ng stage. Kanina pa ako tumatawag kay Natasha pero walang kahit isang tawag ang sinasagot niya. Mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko sa bawat segundong lumilipas. May kung anong hindi maipaliwanag na kaba ang sumisiksik sa dibdib ko, para bang may masamang mangyayari. “May nangyari ba sa kanya? Bakit hindi siya sumasagot?” pabulong kong tanong sa sarili ko habang mariing hawak ang cellphone ko. Nagsimula na ang programa. Ilang minuto na lang at ako na ang susunod na aakyat sa entablado para humarap sa mga investors, business partners, media representatives, at mga bisitang galing pa sa iba’t ibang bansa. Ang iba sa kanila ay CEOs ng international gaming studios, venture capitalists, at publishers na posibleng maging katuwang namin sa global distribution ng laro. Pero kahit gaano pa kahalaga ang event na ito, wala akong ibang iniisip kundi ang asawa ko. Inaasahan ko
“Aasahan ko ang pagdalo mo sa global game launching event dito sa La Vista Hotel,” text sa akin ni Gabriel habang bumibiyahe kami ni Raffy pauwi ng bahay. Kagagaling lang namin sa ospital; mag-isa akong nagpa-ultrasound. Hindi ko pa sinasabi sa asawa ko na buntis ako muli. Ang aming third baby ay 15 months pa lamang, tapos may kasunod na naman. Gusto ko siyang sorpresahin tungkol sa aking pagbubuntis. Birthday niya kasi ngayon, kaya mamaya, pagkatapos ng global launching event, saka ko sasabihin na may susunod na kay Gavrenze Jr. Agad akong nag-reply. “Oo naman. I won’t miss that important event,” sagot ko, may kasama pang heart emoji. “Huwag kang mala-late, mahal,” paalala niya. “Okayy,” reply ko lang. Napalingon ako sa driver nang bigla siyang magpreno at sabayan iyon ng malakas na busina. Bahagya akong napasandal sa upuan dahil sa gulat. Pagtingin ko sa unahan, nakita ko ang isang babaeng nakaharang mismo sa harap ng kotse namin. Nakataas ang kanyang kamay, at sa postura niya,
Two years later…“Let us welcome the designer behind those elegant and beautiful dresses. The beautiful and sophisticated, Natasha Ferrer Berden,” ani ng host habang sunod-sunod na rumarampa sa magarang runway ang mga modelong suot ang mga gown na ako mismo ang nag-design.Nakatayo ako sa gilid ng entablado, bahagyang nakakuyom ang mga kamay ko habang pinapanood ang bawat hakbang ng mga modelo. Isa-isa nilang inilalantad ang mga likha ko, mga dress na dinisenyo ko pa noong nakaraang taon. Hindi ko pa isinama ang mga pinakabagong disenyo dahil hindi pa tapos ang production ng mga iyon. Ang ilan ay wedding gowns na nangangailangan ng hand-beaded bodice, French lace, at Italian silk organza. Ang iba naman ay royal gowns na may mabibigat na embroidery, at custom-made boning structure. Alam kong mas magiging handa ang mga iyon para sa susunod na taon.Ang mga ilaw ng stage ay maingat na naka-focus sa bawat detalye ng tela. Kitang-kita ang fluidity, ang structured ng mamahaling tela, at ang












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Peringkat