“Cindy, bawal dito ang pakalat-kalat,” sermon sa akin ni Ate Maria habang hinihila ako pabalik ng kusina.“Hindi ko sinasadya, Ate.”Pinaupo niya ako sa barstool bago siya humalukipkip.“Para akong kakapusin ng hininga nang makita kitang nakatayo sa dining table. Kinakausap mo pa si Ma’am. Naku, Cindy, hindi ka pa nagsisimula sa trabaho mo, baka masisanti ka.”I should be concerned I might lose the job but I couldn't. Iba ang concern ko.“Ate, ‘yong mga bisita po nila Ma’am, madalas sila dito?”Napaawang ang labi ni Ate Maria na akala mo, offended.“Cindy, bawal pag-usapan ang nakikita sa bahay na ‘to! Kung ano man ang nakita mo, sarilihin mo. Mamaya, may pipirmahan kang non-disclosure agreement. Tungkol ‘yon sa bawal silang pag-chismisan.”“Kasi may tinatago silang kababalaghan?” I asked innocently, but I'm starting to think they might actually be hiding something.Nanlaki ang mata ni Ate Maria at agad na sinuri ang paligid kung may tao ba. Lumapit siya sa akin para makabulong.“Cind
Terakhir Diperbarui : 2025-09-21 Baca selengkapnya