“Sino-sino ang may alam na bumalik ka sa Pilipinas?” tanong ni Leon.Nasa penthouse niya kami. Hindi ito ang plano ko. Gusto ko sana na sa condo ko ako manatili pero dahil matagal akong nawala, may kailangan akong bayaran muna.And Leon insisted na dito na ako sa penthouse niya dahil walang linis ang condo ko. Nasa living area kami. Nakaupo ako pa-side way sa kandungan niya. Ang isang kamay niya ay nakapalupot sa bewang ko, ang isa ay nakapatong sa hita ko, securing me on his lap.“Mga kaibigan ko, sina Mommy at ikaw lang,” sagot ko.Kung ano ang pagkakatanda ko sa penthouse niya, ganoon pa rin iyon. Naka-dim light ang paligid at sobrang tahimik.“How about your manager? You didn't tell him?”Agad akong napatingin sa kanya. Now that he mentioned it, ngayon ko lang naalala na kilala nga pala niya si Davis.“Kilala mo si Davis? I saw you talking to him.” May tunog-akusa ang tono ko.Tumawa siya. “I need to know people in your circle, Francesca. I invested in the company to know how the
Last Updated : 2025-11-28 Read more